Pinagkaguluhan sa Vietnam ang binansagang “The Magician” at legendary billiards athlete ng Pinas na si Efren “Bata” Reyes.

Muli kasing ipinamalas ng 1999 World 9-Ball champion ang natatanging galing at husay nito sa naturang larangan dahil, tiyak na ito sa bronze medal matapos umabante sa semifinals ng Men’s 1-cushion carom competition sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam, nito lamang May 16, 2022.

Napabilib at nagpalakpakan ang Vietnamese crowd sa Ha Dong Gymnasium dahil sa nakakabilib na ipinakitang laban ng binansagang magician, dahil natumbok niya ang 65-58 na panalo mula sa kalaban nitong nagmula sa Thailand na si Suriya Suwannasingh sa quarterfinals.

Hindi sumuko ang 67-year-old na si Efren kahit gaano pa kalayo ang agwat ng kaniyang puntos mula sa kalaban, kaya’t matagumpay na bumangon ang naturang pool legend mula sa 24-39 na pagkakaiwan para resbakan ang kanyang Thai opponent na si Suriya papasok sa semis.

Isa ngang malaking karangalan ito sa mga Pinoy dahil muli na namang naitaas ang bandera ng Pilipinas sa naturang international competition, dahil sa walang kupas at asintadong tirada ni Efren. Dahil dito, kaabang-abang nga ngayon ang semifinal sa darating na May 18 at sa Huwebes naman magaganap ang finals.

Matapos nga ang kanyang pagkapanalo nitong Lunes, pinagkaguluhan at makikitang tila umano rock star treatment ang pagsalubong sa kanya ng mga Vietnamese fans, dahil halos hindi na ito makadaan papalabas sa sobrang dami ng taong nakaabang sa kanya.

Sa kabilang banda, sa higit 100 professional tournaments na napanalunan nito, matatandaang taong 1987 nang makuha niya ang dalawang gold medal sa Jakarta, Indonesia SEA Games nang dominahin niya ang men’s snooker at men’s english billiards events. Nakuha naman nito ang bronze sa 2019 edition ng SEA Games na naganap dito sa Pilipinas.

Samantala, inulan naman ng paghanga at suporta mula sa mga netizens ang “greatest pool player of all time”. Narito ang ilan sa kanilang mga kumento.

Ano ang mensahe mo sa living legend na si Efren “Bata” Reyes?

Leave a Reply

Your email address will not be published.