Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang mga social media post ng controversial rapper-singer na si Skusta Clee o Daryl Ruiz patungkol sa katatapos lang na Father’s Day celebration na siyang pinagmulan ng umano’y panggagalaiti ng dati nitong partner na si Zeinab Harake.

Tila di umano hindi naging inspirasyon sa mga netizens ang mga pagpaparamdam ni Skusta sa kanilang anak ni Zeinab na si Bia lalo na nitong nagdaang araw ng mga haligi ng tahanan. Unang naging agaw-pansin sa publiko ang Instagram story ni Skusta nito lamang June 18, 2022. Makikita ang isang larawan ni Bia habang may caption na “I miss u so bad anak.”

Aminado nga ang rapper na nangungulila na ito sa kanilang anak, dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng nakararami na ilang buwan na rin magmula ng maghiwalay sila ni Zeinab kaya’t hindi na nito nakapiling pa si Bia.

Dahil dito, makikita naman ang tila galit na reaksyon at patama ni Zeinab patungkol sa naging post ni Skusta.

Ayon sa mga IG story ng Youtuber,

At sa mismong Father’s Day, inulan rin ng samo’t-saring reaksyon ang post ni Skusta na ngayon ay deleted na. Makikita kasi ang larawan nila ni Bia habang may caption na,

Tila hindi nga sumang-ayon ang karamihan sa post na ito ng rapper kaya naman nakatanggap siya ng mga pambabatikos mula sa netizens. Ang ilan pa nga ay inedit ang larawan nila ni Bia at pinalitan ng mukha ng di umano kabit nito na si Aira Lipata.

Samantala, hindi naman maikakaila na magmula ng kontrobersyal na hiwalayan ng dating couple, si Zeinab na ang mag-isang nag-aruga, maging ang parehong tumayong ina at ama kay Bia. Kaya naman nag-iwan ito ng mensahe sa kanyang mga social media account.

Ano ang opinyon mo sa mga naging pahayag ni Zeinab Harake at Skusta Clee?

Leave a Reply

Your email address will not be published.