Maingay ngayon sa social media ang samo’t-saring kinakaharap na isyu ng controversial ex-couple na sina Zeinab Harake at Skusta Clee.

Zeinab Harake reveals break up with Skusta Clee | GMA Entertainment

Matapos ngang maglabas ng pahayag ang Youtuber na si Zeinab patungkol sa mga di umano’y panlolokong nagawa sa kanya at sa mga anak nila ni Skusta na naging dahilan ng kanilang hiwalayan, kumakalat naman ngayon sa internet ang di umano’y post ng isang netizen kung saan mapapansin ang pag-call out nito kay Zeinab.

Ayon sa caption ng nasabing post na napanuod niya umano ang interview ni Zeinab sa online show na Toni Talks.

Marami namang netizens at mga tagahanga ni Zeinab ang napapatanong kung totoo nga ba ang naturang post na iyon ng netizen. Makalipas ang ilang oras ay nag-tweet naman si Zeinab at sinabing,

Nagbigay rin ng statement ang manager ni Zeinab na si Jhay Isidro patungkol rito.

At nito lamang May 11, 2022, nag-post naman ang di umano’y nagpakilalang kaibigan ng umaalma kay Zeinab at tila nagpaliwanag patungkol sa naturang post. Ayon sa umpisa ng kanyang post, para umano ito sa mga nagsesearch ng pangalan ng kanyang kaibigan at nilinaw rin na di umano’y hindi si Skusta ang lalakeng tinutukoy ng kanyang friend.

At nito lamang May 11, 2022, naglabas muli ng pahayag si Zeinab patungkol rito.

Sa kabilang banda, usap-usapan rin ngayon ng netizens ang post ng isang kilalang Facebook page, kung saan makikita ang di umano’y isang resibo na screenshot photo ng di umano’y conversation ng rapper na si Skusta sa di umano’y ex-girlfriend nito.

Ayon sa palitan ng kanilang pag-uusap,

“Netizen: Ano gusto mo?

Skusta: Ps4

Netizen: Ay, sarado na SM be. Tulog nalang tayo para mapahinga mo sarili mo.

Skusta: Pag nabilhan mo ko nun, papakasalan na kita. Papanindigan ko pa ____ natin.”

Pahayag ng mga ito.

Hindi naman natukoy kung ano ang naka-blur na salita sa huling sinabi ni Skusta Clee.

Gayunpaman, sa kabila ng di umano’y pag-alma ni Zeinab sa mga espekulasyon ng netizens na kumakalat sa social media patungkol sa kanya, wala pa namang naging pahayag ang panig ng kanyang ex-partner na si Skusta patungkol sa isyu nito.

Makatotohanan nga kaya ang mga isyung ito? Ano ang opinyon mo patungkol rito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.