Labis ang kasiyahan ng maraming tagahanga at tagasuporta nang TV host/dancer na si Vhong Navarro kaugnay sa progreso ng kinakaharap na kaso nito ngayon.

Pinayagan nang mag bail o maghain ng piyansang nagkakahalaga ng 1 milyong piso para makalaya na pansamantala mula sa pagkaka-kulong ang aktor. Bumungad nga ang magandang balitang ito nito lamang December 6, 2022 base mismo sa naging interview sa kanyang lawyer na si Atty. Alma Mallonga.

Ayon sa panayam ng Teleradyo sa abogado ni Vhong, natanggap nila ang balitang ito mula sa Taguig Regional Trial Court  Branch 69. Ang naging dahilan ng desisyong ito, ay dahil marami umanong nakitang ‘inconsistencies’ sa mga naging pahayag ng modelong nagsampa ng kaso na si Deniece Cornejo, laban kay Vhong.

Isa nga sa pinakamahalaga ay ang malinaw na testimonya ni Deniece, ngunit nakita ng korte na ‘di umano maraming butas ang paglalahad ni Deniece na siyang mahirap umanong paniwalaan. Bukod pa rito ay wala rin umanong malakas na ebidensyang maipresenta ang kampo ng modelo para ituloy ang pagpapakulong kay Vhong.

Base naman sa Twitter post ng ABS-CBN News reporter na si Niko Baua, ibinahagi nito ang kuhang larawan ng mismong dokumento na inilabas ng presiding judge na siyang nagpapatunay na pabor ng korte sa akusadong si Vhong.

Ayon sa dokumento,

“Viewed in light of all the foregoing, and taking the evidence presented in the bail hearings as a whole, this court is not convinced at this point, that there exists a presumption great leading to the inference of the accused’s guilt. It must be emphasized, however, that a grant of bail does not prevent the Court, as trier of facts, from making a final assessment of the evidence after full trial on the merits. Wherefore, premises considered, the petition for bail is hereby granted. The bail of the accused for his provisional liberty is hereby fixed at One Million Pesos.”

Sa kabilang banda, wala naman na umano silang nakikitang hadlang sa pagpopost nila ng bail. Nagpahayag din ng pasasalamat si Atty. Mallonga sa desisyong ito ng korte. Kaya’t hindi umano masidlan ang kasiyahan nila para kay Vhong. Lalo na’t matutupad na umano ang matagal nang kahilingan ng aktor. Hindi naman lingid sa mga nakasubaybay kay Vhong na matindi ang hirap na pinagdaraanan nito ngayon, matapos tuluyang ilipat sa Taguig City Jail.

Samantala, narito naman ang komento ng ilang netizens.

Ano ang mensahe mo sa progresong ito sa kaso ni Vhong Navarro?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *