Nabalot ng kalungkutan at pagluluksa ngayon ang buong showbiz industry dahil isa na namang mahusay na aktres ang namaalam.

Pumanaw na ang award-winning veteran actress na tinaguriang “La Primera Contravida” na si Cherie Gil o Evangeline Rose Gil Eigenmann sa edad na 59. Kinumpirma ito sa GMA News ng kanyang pamangkin at aktor na si Sid Lucero, maging ng kaibigan nitong si Annabelle Rama.

Ayon sa Instagram post ng kaibigang talent manager, namaalam ang aktres sa ika-5pm nitong Biyernes, August 5, 2022.

At base naman sa artikulong inilabas ng PEP.ph, binawian umano ito ng buhay dahil sa cancer sa New York City.

Kung saan matatandaang nito lamang February ay inanunsyo niya ang kanyang paglipat sa US at nag-undergo siya ng treatments sa Memorial Sloan Kettering Cancer Center.

Makikita naman sa ilang mga huling post nito sa kanyang social media account ang mga litrato niya na tila mapapansin ang ilang pagbabago sa kanyang physical appearance.

Binalikan rin ng ilang netizens ang agaw-pansing IG post nito noong January 12, 2021 na tila umano may cryptic caption na,

Nagmula nga si Cherie sa kilalang angkan ng mga Gil, kung saan ang mga magulang nito ay ang 50’s matinee idol na si Eddie Mesa at ang ina na isa ring veteran actress na si Rosemarie Gil. Papular rin sa showbiz ang mga kapatid nitong sina Michael de Mesa at ang namayapang aktor na si Mark Gil.

Sa loob ng mahigit limang dekadang pamamayagpag nito bilang aktres, hindi nga malilimutan ang primera kontrabida dahil sa husay nito sa kanyang mga ginampanang karakter, kung saan nakalikha ito ng mahigit sa 100 pelikula, TV shows at theater plays.

Ilan sa mga hindi malilimutang pelikula nito ay ang “Manila by Night”, “Oro, Plata, Mata”, at ang iconic role nito bilang si Lavinia Arguelles sa “Bituing Walang Ningning”, kung saan siya ang nagpasikat sa pamosong linya na “You’re nothing but a second-rate, trying hard copycat!”. Isa naman sa mga huli nitong proyekto ay ang Kapuso teleserye na “Legal Wives”, taong 2021.

Samantala, bumuhos naman ito ng pakikiramay mula sa ilang mga kaibigan at kasamahan sa industriya ng showbiz.

Kagaya na lamang ni Sunshine Cruz,

At makikita rin ang pagdadalamhati ng co-star nito sa ‘Bituing Walang Ningning’ na si Megastar Sharon Cuneta, kung saan nagbahagi ito sa kanyang Instagram account ng short video clip ng kanilang masasayang ala-ala.

Rest in Peace, Cherie Gil.

Leave a Reply

Your email address will not be published.