Usap-usapan pa rin ngayon sa social media ang isyu patungkol sa totoong pagkakakilanlan ng controversial social media personality na si Vanessa Raval.

Umalma kasi ito sa aniya’y mga kumakalat na fake news na ‘di umano hindi siya totoong anak ng action star na si Jeric Raval.

Kaya’t naglabas ito ng video na may caption na,

Base naman sa paliwanag nito,

“May kumakalat na naman na tsismis na hindi daw ako anak ng tatay ko. Ganito lang po ang sasabihin ko, panuorin niyo po ‘yung interview ng tatay ko (Jeric Raval) kay Ogie Diaz. Kasi may kumakalat na article na sinabi daw ng tatay ko doon na hindi niya ako anak. Hindi po ako itinanggi ng tatay ko. Ang sinabi lang po niya is, “let’s not talk about her”. Kasi nga naman lalalim na ng lalalim ang usapan nila ni Ogie Diaz na mapupunta na siya isyu ko. Syempre, nakakahiya nga naman ‘yung ginawa ko, nanggulo ako sa social media, ‘di ba? Kung ako ‘yung magulang, may ginawang ganu’n ‘yung anak ko, talagang nakakahiya ‘yun. Sasabihin ko na rin, ‘let’s not talk about her’. Pero, never po sinabi ng tatay ko na hindi niya ako anak.”

Paliwanag ni Vanessa.

Matatandaan nga na nakapanayam si Jeric sa isang one-on-one interview sa Youtube channel ni Ogie Diaz, nito lamang August 1, 2022, kagaya ng umano’y napanood ni Vanessa.

At base sa vlog, nang usisain nga ni Ogie ang patungkol kay Vanessa ay tumangging magbigay ng pahayag si Jeric at tanging nasambit lang nito ay,

“Let’s not talk about her na lang.”

Kaya’t hindi na napag-usapan pa si Vanessa.

Subalit, base naman sa isa pang inilabas na vlog ni Ogie sa isa pang Youtube channel nito na “Ogie Diaz Showbiz Update”, kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh nito lamang August 3, 2022, dito na ni-reveal ni Ogie na ‘di umano hindi tunay na anak ni Jeric si Vanessa.

Nagsimula ito sa tanong ni Mama Loi kay Ogie na,

“Teka lang nay, ‘di ba napag-usapan niyo na ‘yan ni Jeric Raval? O, ano daw ba? Anak niya ba talaga si Vanessa?”

Base naman sa eksaktong sagot ni Ogie,

“To tell you honestly, sinabi ni Jeric na hindi niya anak si Vanessa Raval. Si Vanessa Raval ay anak ng pinsang buo niya, na nakikitatay-tatay Eric na rin sa kanya. ‘Yun ang malinaw. Pero sabi ko kay Jeric, ‘pero kamukha mo ah?’ Sabi niya, ‘Oo, pero hindi ko siya anak. Hindi ko naman itatanggi kung anak ko, ano? 18 nga anak ko, hindi ko naman itinanggi. Hindi naman sa ‘kin ‘yan. Hindi ko nga alam sa batang ‘yan bakit ganyan ang mga naglalabasan sa kanya’.”

Paglalantad ni Ogie.

Pagpapatuloy pa nito,

“Eto didiretsuhin ko na si Vanessa. Day, kung gusto mong pumasok sa aming industriya, diyan ka una nilang nakikilala. ‘Yung nagsinungaling ka, gumawa ka ng script. Kaya everytime magsasalita ka, baka magduda na ‘yung mga tao, hindi na sila maniwala sa’yo. Kaya ‘yon ang dapat mong ibangon ngayon, Vanessa, ‘yung iyong credibility. Naku tingnan mo oh, hindi pala siya anak ni Jeric. Tapos scripted lang pala. Tingnan mo, ganyan ang paumpisa mo? Anak, paano?

Mensahe ni Ogie kay Vanessa.

Samantala, narito naman ang samo’t-saring reaksyon ng netizens.

Gayunpaman, ito ay base lamang sa mismong inilabas na impormasyon ni Ogie na ‘di umano nalaman lang niya mula kay Jeric, subalit wala pa namang direktang inilalabas na official statement si Jeric kaugnay sa isyung ito.

Sino nga kaya ang nagsasabi ng totoo? Ano ang opinyon mo patungkol rito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.