Sila pala ang TOP 10 na pinakamayaman at bilyonaryong tao sa Pilipinas ngayong taong 2022 ayon sa Forbes Magazine.

10. Ramon Ang

Ang self-made billionaire na si Ramon ay ang President, Vice Chairman at CEO ng isa sa pinakamalaking korporasyon sa bansa na San Miguel Corporation. Kilala ang kumpanyang ito bilang largest producer ng beer sa bansa. Kasama rin dito ang Petron Corporation, San Miguel Properties Inc., SMC Infrastructure at marami pang iba. Siya rin ang President at CEO ng largest shareholder at isang investment holding company ng SMC na Top Frontier Investment Holdings, Inc. Ang estimated net worth ni Ramon ayon sa Forbes ay nasa $2 Billion o P111,020,000,000.

9. Elizabeth Sy

Ang ikalawa sa Sy siblings ay isa sa nagma-manage ngayon sa korporasyon ng kanilang late father na si Henry Sy Sr. Pagmamay-ari ng kanilang pamilya ang SM Investments Corporation. Si Elizabeth ang Chairperson at President ng SM Hotels and Conventions Corporation. Kagaya na lang ng papular na venue para sa local at international events na SMX Convention Center at mga sikat na hotels gaya ng Taal Vista Hotel, Radisson Blue Hotel at iba pa. Ang kanyang net worth ayon sa Forbes ay nasa $2.1 Billion o P116,697,000,000.

8. Teresita Sy-Coson

Ang ikatlong anak ni Henry ay siya namang tumatayong Vice Chairperson ng SM Investments Corporation at Adviser ng SM Prime Holdings, Inc. Hawak nito ang ilan pang board positions sa mga kumpanya ng SM Group kagaya ng BDO Unibank, Inc., BDO Foundation, BDO Private Bank, Inc. at One Network Bank, Inc. Ayon sa Forbes, ang net worth nito ay tinatayang nasa $2.4 Billion o P133,392,000,000.

7. Harley Sy

Ang bunso sa anim na Sy siblings ay ang tumatayong Executive Director ng SM Investments Corporation. Siya rin ang Director ng China Banking Corporation at ilan pang kumpanya sa SM Group. Adviser rin ito sa Board of Directors ng BDO Private Bank, Co-Vice Chairman at Treasurer ng SM Retail, Inc. Ang estimated net worth ni Harley base sa Forbes ay $2.4 Billion o P133,392,000,000.

6. Herbert Sy

Ang ika-lima sa magkakapatid na Sy ay tumatayong Director ng SM Prime Holdings, Inc., kung saan ito ay ang property developer ng SM Group at isa sa pinakamalaking property developer sa buong Southeast Asia. Ilan sa sakop ng operasyon nito ay ang 76 malls sa bansa at 7 malls sa China. Isa rin si Herbert sa Adviser ng SMIC. Ayon sa naitala ng Forbes, tinatayang nasa $2.6 Billion o P144,404,000,000 ang net worth nito.

5. Hans Sy

Siya ang pang-apat sa anak ng yumaong founder ng SMIC. Si Hans ang dating President ng subsidiary nitong SM Prime at nananatiling Director. Maliban sa pagiging Adviser ng SM Investments, siya rin ang kinatawang Chairman ng China Banking Corporation at Chairman ng National University. Ayon sa Forbes, ang kayang net worth ay nasa $2.6 Billion o P144,404,000,000.

4. Andrew Tan

Isa rin ito sa self-made billionaire na nagmula sa salat na pamumuhay hanggang sa nakapagtatag ng wholesale trading firm. Si Andrew ang Chairman ng isa sa pinakamalaking kumpanya sa bansa na Alliance Global Group, Inc. Ilan nga sa subsidiaries nito ay ang Megaworld, Emperador Inc., Travellers International at Golden Arches Development Corporation. Ang master franchise holder ng McDonald’s sa Pilipinas. Ayon sa naitalang net worth nito base sa Forbes ay nasa $2.8 Billion o P155,596,000,000.

3. Henry Sy Jr.

Pasok sa Top 3 list ang eldest son na si Henry. Siya ang Vice Chairman ng SMIC at Chairman ng SM Prime Holdingds, Inc. Siya rin ang tumatayong Chairman at CEO ng SM Development Corporation, Chairman ng Synergy Grid & Development Philippines, Inc. at Vice Chairman ng National Grid Corporation of the Philippines. Tagapanguna rin ito sa ilang real estate at development activities ng SM Group. Ang kanyang net worth na naitala ayon sa Forbes ay nasa $2.8 Billion o P155,596,000,000.

2. Enrique Razon Jr.

Ang business tycoon na si Enrique ang Chairman, President at Executive Director ng isa sa nangungunang global port management company sa bansa na International Container Terminal Services, Inc., kung saan mayroon itong subsidiaries sa ibang bansa. Si Enrique rin ang Chairman, Director at President ng mahigit sa dalawampung kumpanya nito. Bukod pa rito, siya rin ang CEO at Chairman ng Bloomberry Resorts Corporation, kung saan under nito ang Solaire Cruise Center, Yacht Harbor at Solair Resort & Casino. Tinatayang nasa $6.7 Billion o P372,453,000,000 ang kanyang net worth ayon sa Forbes.

1. Manny Villar

Ang real estate magnate at self-made billionaire na si Manny ang naitalang Philippines’ Richest Man at pang 263 sa Wolrd’s Billionaires List, ayon sa Forbes Magazine. Siya ang Chairman at nagmamay-ari ng Vista Land & Lifescapes Inc., kung saan nakapaloob rito ang malalaking kumpanya gaya ng Brittany Corporation, Crown Asia Properties, Vista Residences, Camella, Inc. at Vista Malls. Isa sa pinakamalaking asset nito ay ang developer ng mass housing projects at condos na Golden MV Holdings. Ilan pa sa mga papular na pag-aari nito ay ang Starmall, Camella Homes, Lumina Homes, All Day Supermarket at All Day Convenience Store. Pagmamay-ari rin ng pamilya ni Villar ang isang broadcast media company na Advanced Media Broadcasting System o AMBS. Ayon sa Forbes, ang net worth nito ay tinatayang nasa $8.3 Billion o P461,563,000,000.

Ano ang susunod na Top 10 list na nais mong mapanood sa PH Headlines? Comment your suggestions down below.

Leave a Reply

Your email address will not be published.