Hindi makakaila na marami sa atin ang nangangarap na makaranas ng buhay na mayroon ngayon ang isang Heart Evangelista. Sa yaman ba naman ng aktres ngayon ay ilang designer bags and clothes na ang kaniyang nabili na masaya naman niyang nakukuha sa pamamagitan ng pagiging hard working niya.

Masasabing sikat ngayon si Heart sa mundo ng fashion dahil madalas siyang nasa ibang bansa dahil na rin sa invitations para umattend ng mga fashion shows ng mga kilalang brand abroad.

Kaya kung curious ka kung ano ang mga designer bags na mayroon si Heart ngayon at kung ano ang mga paborito niya, itu-ito ‘yon!

LOUIS VUITTON CAPUCINES MINI


Hindi niya binili ang designer bag na ito dahil niregalo ito mismo sakanya ng Louis Vuitton straight from Paris. Share pa ni Heart, nag-stand out sakaniya ang bag na ito dahil sa unique look na pinapakita nito at sa pagiging spacious nito kahit na napakaliit nito tignan.

Nagkakahalaga lang naman ito ng $4400 o 246,287.00 pesos dito sa Pinas.

CARTIER GUIRLANDE DE CARTIER MINI MODEL TOP HANDLE BAG

Credits to:  YOUTUBE/LOVE MARIE ESCUDERO

Bukod sa hilig mangolekta ng mga alahas ay talaga namang gustong gusto rin ng aktres ang mga bags na gawa ng Cartier. Share niya sa kaniyang followers na paborito niya ang box bag na ito na may temang gold garland kung saan binanggit niya rin na kahit maliit ito ay may moderno naman itong style na talaga namang very eye catching sa publiko.

Tunay nga namang nakakabighani rin ang pagkahumaling ng aktres dahil na-aapreciate nito ang art sa mga ganitong klaseng produkto.

Kung iniisip mo ang halaga nito, it’s around 1780 pounds o 121,690 pesos dito sa Pinas.

JUDITH LEIBER POPSICLE PILLBOX

Credits to:  YOUTUBE/LOVE MARIE ESCUDERO

At para sa susunod nating entry ay talaga namang magugulat at manghihinayang ka sa presyo ng pill bag na ito na para sa ating mga ordinaryong mamamyan ay tunay nga namang pagkamahal!

Binahagi rin ni Heart ang popsicle-shaped pillbox na covered in orange crystals. Saad ng aktres dito niya nilalagay ang kaniyang mga suppliments katulad nalang ng kaniyang Vitamin C.

At kung presyo lang ang pag uusapan ay talaga namang walang kasing yaman din ang aktres dahil nagkakahalaga ito ng mahigit 33,744 pesos.

BVLGARI SERPENTI FOREVER

Credits to:  YOUTUBE/LOVE MARIE ESCUDERO


Hindi naman mawawala ang isa rin sa mga favorite picks ni Heart na crossbody bags from Bvlgari. Inamin ng aktres na inlove siya sa design nito at in fact ay umorder din siya ng iba pang mga kulay na available para sa partikular na designer bag na ito.

Dagdag pa niya madali itong paresan ng mga damit, madaling dalhiin at suotin at kayang mag-keep ng maraming personal belongings. Hindi mo rin aakalain kung magkano ito.. Kahit pa sa maliit na size ng bag na ito, nagkakahalaga ito ng mahigit 113,408.00 pesos.

Isipin mo nalang kung magkano pa ang kaniyang nabayaran para sa ibang kulay na inorder niya na kaparehas ng bag na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *