Mahilig ka ba manuod ng mga teleserye? Kung oo ang sagot mo, marahil kilala mo ang dating child star ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na si Rhed Bustamante. Kung hindi mo pa siya nakikita ulit ay maghanda ka na dahil kakaibang glow up ang ginanda ng batang ito.

Halos ilang taon na rin ang nakalipas mula noong nagpakita sa ating mga telebisyon si Rhed Bustamante. Sa isa ring interbyu sinabi ni Coco Martin na karapat-dapat nga namang mabigyan ng opportunity ang mga taong katulad ni Rhed kaya naman sumabak agad ito sa aktingan sa naturang teleserye.

Nagtaka ka rin ba kung nasaan na siya ngayon? Dalaga na ang dating child star na ito at kahit hindi na siya gaano ka-aktibo sa pag akting.. patuloy pa rin niyang ine-entertain ang kaniyang mga followers sa kaniyang social media channels.

Nabighani ka rin ba sa ganda ni Rhed ngayon?

NAKARAAN

Minsan na ring namayagpag ang karera ni Rhed noong siya ay bumida sa primetime soap na “Endless Love,” “FlordeLiza,” pelikula katulad ng “Seklusyon,” “The Amazing Praybet Benjamin,” at “Maria Leonora Teresa.”

Marami ang tumutok at sumuporta sakaniya at lalo pang umani ng mga papuri at fans sa buong taon ng kaniyang aktibong pag arte mapa-small screen o big screen man ‘yan. Dahil na rin sa kaniyang ipinamalas na galing sa pag arte nakakuha rin siya ng nominasyon bilang Best Actress. Pero hindi lahat ng bagay ay permanente, minsan na ring bumagsak ang lipad ni Rhed sa pagiging artista dahilan upang sila ay maghirap.

Kwento ni Rhed, dumating sila sa punto na kailangan na nilang paalisin sa kanilang tirahan dahil sa ilang buwan na hindi nila pagbayad sa upa nito. Marami ang naantig sa kwento niya at isa na rin dito ang artista na si Coco Martin kung saan nabigyan rin siya ng oportunidad na makakuha ng project sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Pero salamat na rin sa mga nagmagandang loob na kapwa niya artista, muli siyang nakabangon at ngayon ay patuloy na nagpupursige sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *