Viral ngayon sa social media ang di umano’y pagkumpirma ng OPM singer at rapper na si Daryl Ruiz o Skusta Clee sa kanilang hiwalayan ng social media influencer na si Zeinab Harake.

Idinaan ni Skusta sa isang kanta ang tila tugon nito sa hiwalayan isyu nila ng Youtube vlogger na si Zeinab. Kumalat nga sa social media ang video ng rapper, nang mag-perform siya sa kanyang live concert sa Dinagat Island nito lamang May 3, 2022.

Sa isang video clip ng netizen, mapapansin na nagpasalamat muna ito sa kanyang mga fans dahil sa pagsuporta sa kanya sa kabila umano ng lahat ng nangyayari at mga isyung kinakaharap nito.

“Nagpapasalamat ako dahil nakasubaybay kayo sa akin kahit anong nangyayari, anjan pa ‘rin kayo. Kaya ang tatag ko, kasi anjan pa ‘rin kayo.”

Mensahe ni Skusta.

Hindi naman inaasahan ng mga dumalong netizens at ng kanyang mga fans ang kasunod na inawit nito sa entablado. Malakas na hiyawan ang maririnig nang magsimula ang tugtog sa kanta nitong “Zebbiana”, na noong una ay ayaw pa sana umano niyang kantahin.

Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na malaki ang kahulugan ng naturang kanta dahil awitin ito ni Skusta para kay Zeinab. Subalit laking gulat ng netizens nang palitan niya ang ilang linya nito na ikinalungkot naman ng kanilang mga fans ni Zeinab.

Ang sana’y lyrics na ‘Sa’kin ikaw pa rin ang baby ko’ ay pinalitan niya ng ‘Sayo’y hindi na kita baby ko’.

Gayunpaman, unti-unti man humuhupa ang hiwalayan isyu nila ni Zeinab dahil sa pananahimik ng mga ito, subalit patuloy paring naghihintay ang kanilang mga fans sa kanila umanong paliwanag sa totoong rason ng kanilang break up.

Matatandaan kasi na halos isang buwan na simula nang pumutok ang balitang ito. Napansin kasi ng mga netizens na wala si Skusta noong nakunan si Zeinab, maging sa burol ng kanilang ikalawa sanang anak na si Baby Moon.

Hindi rin namataan ang rapper sa magarbong 1st birthday celebration ng kanilang unang anak na si Baby Bia at nauna ng nag-bura ng kanilang mga larawan at nag-unfollow ang mga ito sa kani-kanilang Instagram account.

ZEINAB HARAKE CELEBRATES BABY BIA 1ST BIRTHDAY WITHOUT SKUSTA CLEE - Where  In Bacolod
Zeinab Harake posts vlog about grand party for her daughter Bia's 1st  birthday - KAMI.COM.PH

Samantala, dahil sa umano’y mapanakit na liriko ni Skusta sa naturang kanta, narito naman ang mensahe ng ilang netizens.

Ano ang opinyon mo patungkol rito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.