Sa kauna-unahang pagkakataon, nagpa-interview na sa mainstream media ang controversial rapper-singer na si Daryl Ruiz o Skusta Clee, kaugnay sa samo’t-saring isyung kinakaharap nito lalo na sa hiwalayan nila ng kanyang ex-partner na si Zeinab Harake.

Inaabangan nga ito ng netizens, matapos ang mga hindi inaasahang pangyayari sa relasyon nila ng Youtuber na si Zeinab mula sa miscarriage sa kanilang ikalawa sanang anak, isyung pangangaliwa hanggang sa hiwalayan ng ex-couple.

Nakapanayam si Skusta ng News5 nito lamang May 12, 2022, patungkol sa mga naging realization niya sa pag-ibig.

Sa umpisa, tila nagbigay ng saloobin ang rapper kung ano ba ang ilang mga bagay na nagiging problema umano sa isang relasyon.

“Hindi ka naging totoo sa sarili mo. Hindi mo muna inaral ‘yung sarili mo, hindi niyo inaral ‘yung isa’t-isa. Kasi ‘dun nagsisimula ang lahat lalo na kapag hindi kayo nagkakaintindihan. Dapat kasi kapag partner, feeling ko ganun, dapat kahit anong mangyari, magkakaintindihan kayo. Pero sa tingin ko, kung ano yung kasalanan pagdating sa relasyon, siguro ‘yung kulang ka sa pag-iintindi sa partner mo. Wala nang kahit na anong explanation.”

Pagsisimula ni Skusta.

Kasunod nito, naitanong naman rito kung ano ang mga natutunan niya sa kanyang past relationship lalo na sa kasalukuyang dinadala o pinagdaraanan. Sinabi nitong natutunan niya umanong mas bigyan ng halaga ang sarili niya, nalaman niya rin umano ang mga bagay na gusto at ayaw niya, mga bagay na kinakatakutan niya at hindi at napansin niya rin umano ang mga taong naging totoo sa kanya.

“Ngayon, mas natutunan kong mahalin ‘yung sarili ko. Kailangan mo talagang unang mahalin ‘yung sarili mo, kasi hindi ka matututong magmahal ng iba kung ‘di mo mamahalin muna ang sarili mo.”

Pagbabahagi ng rapper.

Naniniwala rin umano siyang mahalaga talaga ang self-love at ito ang itinuturing niyang “greatest love of all”.

Sa huli, naitanong kay Skusta kung mas pabor ba siya at nais niya ba na hindi na lang isinasapubliko ang mga personal na pinagdaraanan nito sa buhay at daanin na lang sa pribadong usapan.

“Wala naman akong wish na mga ganun. Ang wish ko lang maging okay lahat. Maging masaya lahat, maging okay ang isip. Hindi lang sa akin, hindi lang sa inyo, sa lahat ng tao. Lahat tayo may pinagdaraanang problema, lahat tayo may kaso. Ang akin, hangad ko ang kaligayahan ng lahat, kapayapaan ng lahat.”

Saad ni Skusta.

Sa kabilang banda, sinabi naman nito na maayos ngayon ang lagay at estado ng kanyang puso dahil na rin sa kagustuhan niya umanong mag move forward at hindi na tumahan pa sa mga dagok ng buhay.

Samantala, matatandaang kamakailan lang nang kumpirmahin ng vlogger na si Zeinab na nagkahiwalay na sila ni Skusta, dahil di umano sa issue ng pangangaliwa at pangloloko ng rapper.

Ano ang masasabi mo sa mga naging pahayag ni Skusta Clee?

Leave a Reply

Your email address will not be published.