Sila pala ang mga bilyonaryang babae sa Pilipinas.

Vivian Que Azcona & Siblings

Ang late founder at self-made billionaire na si Mariano Que na nagsimula ng kumpanya sa halagang P100 ay ang nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaki at kilalang kumpanya sa pharmaceutical industry sa Pilipinas na “Mercury Drug Corporation”. Isa nga ito sa most trusted drugstore chain, kung saan mayroong mahigit sa isang libong physical store nationwide. Nang pumanaw si Mariano, ipinasa na ito sa kaniyang mga anak, kung saan si Vivian ang President at ang largest shareholder ng Mercury Drugs. Ang estimated net worth ng mga ito ayon sa Forbes ay humigit kumulang sa $1.1 Billion o P61,072,000,000.

Susan Co

Ang mag-asawang business magnate na sina Susan at Lucio ay ang parehong nagtatag at nagmamay-ari ng isa sa top-supermarket chains at Supermarket giant sa bansa na ‘Puregold’, under sa kanilang kumpanya na “Cosco Capital, Inc.” Ilan sa pinapatakbong negosyo ng kumpanyang ito ay ang Puregold Price Club, Inc., Premier Wine and Spirits, Inc., Pure Petroleum Corp., at iba pa. Si Susan naman ang Vice-chairman ng Puregold Price Club, Inc., Director ng Philippine Bank of Communications, Chairman ng Tower 6789 Corporation at Director ng 11 private companies. Ang estimated net worth ng mag-asawa ayon sa Forbes ay nasa $1.7 Billion o P94,367,000,000.

Maria Grace Uy 

Si Maria Grace at ang asawa nitong si Dennis ay ang co-founders ng tinaguriang Philippines fastest growing fibre internet service provider na “Converge Information and Technology Solutions, Inc.” o Converge ICT Solutions. Bukod sa pagiging founder, si Maria Grace ay ang President, Chief resources officer at Executive director ng naturang kumpanya. Siya rin ang Chief Finance Officer ng Angeles City Cable Television Network and Comclark. Ang estimated net worth naman ng mga ito ayon sa Forbes ay humigit kumulang sa $1.75 Billion o P97,142,500,000.

Ty Siblings

Matapos pumanaw ang founder at banking tycoon na si George Ty, ang apat na Ty siblings na ang nagma-manage ng isa sa pinakamalaking bangko sa Pilipinas na Metrobank at Trust Company, kung saan ito ay under sa “GT Capital Holdings Inc.” Ang ilan naman sa component companies nito ay ang Toyota Motor Philippines Corporation, Metro Pacific Investments Corporation, at AXA Philippines. Ang mga babaeng sina Anjanette at Alesandra ay parehong nasa-posisyon ng Executive officers. Ang net worth ng mga ito ay humigit kumulang sa $1.9 Billion o P105,469,000,000.

Consunji Sisters

Pagmamay-ari ng mga Consunji ang one of the Philippines’ leading construction company na “DMCI Holdings Incorporated”. Ang anim na Consunji siblings ang nagpapatakbo ng kumpanyang ito, kung saan ang tatlong babae na sina Ma. Edwina, Luz at Maria Cristina ay nakaupo sa board members ng engineering empire na ito. Maliban sa construction business, mayroon rin itong residential development, Semirara Mining and Power Corporation, DMCI Power Corporation at Maynilad Water Services, Inc. Ayon sa Forbes, ang estimated net worth ng mga ito ay tinatayang nasa $2.65 Billion o P147,128,000,000.

Gokongwei Sisters

Ang late industrialist na si John Gokongwei Jr. ay iniwan sa kanyang anim na anak ang isa sa pinakamalaking kumpanya sa bansa na JG Summit Holdings, Inc. Ang nag-iisang lalaking anak na si Lance ay ang CEO at Chairman ng JG Summit. Ang panganay na babaeng si Robina naman ang Chief Executive ng Robinson Retail. Habang ang apat na babae ay nangunguna rin sa pagpapatakbo ng naturang kumpanya. Ilan nga sa pag-aaring korporasyon ng mga ito ay ang Universal Robina Corporation, Robinsons Land Corporation, Cebu Pacific Air, at Robinsons Bank Corporation. Ayon sa Forbes, ang kanilang estimated net worth ay humigit kumulang sa $3.1 Billion o P172,081,000,000.

Betty Ang  

Ang business tycoon na si Betty ay ang co-founder, Director at President ng one of the largest food manufacturers sa bansa at ang country’s leading producer ng biscuits at instant noodles na “Monde Nissin Corporation”. Ilan nga sa mga papular na produkto nito ay gaya ng Lucky Me! noodles, Skyflakes, Fita, Monde bake goods, M.Y. San Grahams at iba pa. Si Betty ay Director rin ng “Suntrak Corporation”. Ang estimated net worth nito ayon sa Forbes ay humigit kumulang sa $1.2 Billion o P66,612,000,000.

Elizabeth Sy

Ang ikalawa sa Sy siblings na si Elizabeth ay ang isa sa nagma-manage ng korporasyong ipinamana ng kanilang late father na si Henry Sy Sr. Pagmamay-ari ng kanilang pamilya ang isa sa napakalaking korporasyon sa bansa na “SM Investments Corporation”. Ang kumpanyang nagmamay-ari ng SM Supermalls, SM Mall Of Asia, MOA Arena, National University, 2GO Group, Inc. at marami pang iba. Si Elizabeth ang Chairperson at President ng SM Hotels and Conventions Corporation. Kagaya na lang ng papular na venue para sa local at international events na SMX Convention Center at mga sikat na hotels gaya ng Taal Vista Hotel at Radisson Blue Hotel. Ang net worth nito base sa Forbes ay tinatayang nasa $1.9 Billion o P105,469,000,000.

Teresita Sy

Nangunguna naman sa listahan ng bilyonaryang babae sa Pilipinas ay ang eldest daughter ni Henry na si Teresita. Siya ang tumatayong Vice Chairperson ng SM Investments Corporation at Adviser ng SM Prime Holdings, Inc. Siya rin ang Chairperson ng SM Retail Inc. Hawak nito ang ilan pang board positions sa ilan pang kumpanya ng SM Group kagaya ng BDO Unibank, Inc., BDO Foundation, One Network Bank, Inc., at iba pa. Ayon sa Forbes, ang estimated net worth nito ay humigit kumulang sa $2.1 Billion o P116,571,000,000.

Ano ang susunod na topic na nais mong mapanood sa PH Headlines? Comment your suggestions down below.

Leave a Reply

Your email address will not be published.