Isang malaking rebelasyon ang gumulantang sa madla sa naging pagsisiwalat ng singer at former Idol Philippines Season 2 contender na si Ryssi Avila.

Sa kanyang Youtube vlog nito lamang January 23, 2023, matapang nitong inilantad ang magandang balita na siya umano ay isa nang ganap na ina.

Marami nga umano sigurong nagtataka kung bakit matapos ang stint niya sa naturang talent competetion ay biglang wala ng update sa kanya. At sa mismong pagsali niya sa Idol Philippines, marami rin umanong nakapansin sa biglaang pagdagdag ng kanyang timbang, kumpara ngayon na payat na ulit ito.

Ayon sa panimula ni Ryssi,

“Hinanda ko ‘yung sarili ko para i-share sa inyo ‘yung pinakamagandang regalo na natanggap ko. Actually, hindi ko naman talaga ‘to itinago. May mga nakakita naman sa akin. Sinigurado ko lang nung pinagdadaanan ko ‘to kung sino lang talaga ‘yung malalapit at pinagkakatiwalaan ko nang sobra. Lahat ng mga tumulong sa akin para malagpasan ko ‘yung phase ng buhay ko na ‘yon, at ‘yun po ‘yung pagbubuntis. “

Pagpapatuloy pa niya,

“Hindi niyo lang po talaga alam, na nung time na nag-live shows na ako, kakapanganak ko lang po talaga. Sinikap ko na matapos ‘yun, sinikap ko na ilaban ‘yung pangarap ko para sa sarili ko at syempre para sa anak ko. Kasi kung hindi niyo pa po alam hanggang ngayon, may anak na po ako, at five months na po ‘yung anak ko. Sobrang excited na po ako na maipakilala siya sa inyo.”

Dito niya na nga ni-reveal sa publiko ang kanyang napaka-cute na baby boy na pinangalanan niyang Anghel. Malaki umano ang naging pagbabago ni Ryssi magmula nang maging ina ito. Dahil lahat umano ng bisyo niya nung kabataan lalo na ang pag-iinom, ay tinanggal niya umano nang magbuntis siya kay Baby Anghel. Laking pasasalamat din umano niya sa Diyos dahil binigyan siya ng anak at natupad din ang kahilingan niya na biyayaan siya ng isang baby boy.

Sa Episode 3 naman ng P2P vlog, naibahagi ni Ryssi kay Boss P na hindi sila in good terms ng ama ng kanyang anak.

At dahil sa mapanuring mata ng ilang netizens, hinuha ng mga ito na ang aktor na si Jet Delgado na kapatid ng sexy actress na si Andrea Garcia at apo ng veteran actress na si Marissa Delgado ang ‘di umano ama ng anak ni Ryssi.

Ilan umano sa pruweba nito ay makikita sa latest social media post ni Jet ang larawan nila ni baby Anghel habang may caption na,

“Not a secret, just not your business.”

Kumakalat din ngayon ang ilang larawan nila ni Ryssi na makikitang sweet na sweet sila sa isa’t-isa at nagmula ito mismo sa mga dating social media post ni Jet.

Gayunpaman, wala pa namang kumpirmasyon ang dalawang panig sa katotohanan ng espekulasyong ito.

Ano ang mensahe mo sa naging rebelasyon ni Ryssi Avila?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *