Trending na naman ngayon ang social media influencer at talent artist na si Rob Moya, matapos nitong ibahagi sa kanyang Facebook account ang mga screenshot photos ng naging pag-uusap nila ni Vince Flores o Tito Vince.

Ayon kasi sa chat ni Rob sa ex-girlfriend niyang si Toni Fowler, sinabi nitong mahal na mahal niya pa umano ang Youtuber.

Ani Rob,

“Mommy, parang mahal pa yata kita…”

Subalit, makikita sa screenshot conversation nito na ang nakabasa at nagreply kay Rob ay ang kasalukuyang boyfriend ni Toni na si Tito Vince.

“Ano na naman sinasabi mo kuya Rob? Si Vince ‘to. Tulog na si jowa.”

Dahil dito, tila dinaan na lang ni Rob sa biro ang kanyang reply.

Aniya,

“Ipasa sa 25 na katao para swertihin ka! Subukan mo lang wala naman mawawala.”

Matapos nito, muling nag-post si Rob sa Facebook ng screenshot ng chat niya kay Toni, kung saan muli na namang nahuli ni Vince ang pagchachat nito sa kanyang nobya.

Naitanong kasi ni Rob kung busy ba si Toni at sinagot naman ito ni Vince na nagpapahinga ang kanyang girlfriend dahil may sakit. Mapapansin rin na tila dinadaan na lamang umano ni Tito Vince sa pagbibiro ang mga reply nito kay Rob, kung saan nasabihan niya itong may ubo sa utak na hindi na umano gagaling.

Narito ang kanilang naging pag-uusap.

Sa kabilang banda, makikitang muli nitong chinat si Toni na mahal na mahal niya pa ito, subalit nakatikim lamang ito ng mura mula sa Youtuber.

Tila may pinaparinggan rin umano ito sa kanyang latest post nito lamang August 4, 2022.

Aniya,

Samantala, tila hindi na natutuwa ang ilang mga tagahanga nina Toni at Vince sa umano’y ipinapakitang hindi pagrespeto ni Rob sa kanilang relasyon.

Narito ang samo’t-saring komento ng ilang netizens.

Ano ang mensahe mo sa mga naging pahayag ni Rob Moya?

Leave a Reply

Your email address will not be published.