Matapos muling mag-viral at kumalat sa social media ang video clip ng controversial Youtube vlogger na si Rob Moya, habang may kahalikan sa isang bar, agad naman nitong dinipensahan ang kanyang sarili mula sa mga netizens na bumabatikos sa kanya.

Kamakailan lang kasi nang spotted ito na may kasamang hindi kilalang babae sa bar, kung saan makikita umanong nag-eenjoy siya sa pakikipag-sayawan at pakikipaghalikan sa naturang netizen.

Kaya’t inulan ito ng samo’t-saring pamba-bashed, dahil tila hindi umano naaayon ang ikinikilos niya sa paulit-ulit nitong pag-amin na di umano’y mahal niya pa at nais niyang makipag-balikan sa dating kasintahang si Toni Fowler.

Kaya naman tila hindi umano sinsero ang pagpapahayag niya ng nararamdaman kay Toni, dahil sa sunod-sunod na pagka-linked nito sa iba’t-ibang babae kamakailan lang.

May dipensa naman si Rob sa mga taong bumabatikos sa kanya. Nagpahayag ang vlogger ng kanyang saloobin nito lamang May 6, 2022 sa Youtube vlog ng kanya umanong Fitness coach.

“Unang-una sa lahat, single ako. Okay? Wala akong asawa, wala akong anak, wala akong girlfriend. So, kahit may mag-video kung sino mang babaeng hinahalikan ko, nag-eenjoy lang ako.”

Paliwanag ni Rob.

Aminado rin itong hindi iyon maganda, subalit wala naman umano siyang tinatapakang ibang tao.

“Technically, hindi naman okay manghalik ka ng marami [babae], kaso lang lasing ako ‘nun. Hindi ko ‘rin sinasabi na maganda ‘yung ginagawa ko, pero kasi, wala naman akong tinatapakan na ibang tao. ‘Yun lang naman yung akin, make sense.”

Dipensa ng vlogger.

At nang tanongin naman ito ng kanyang coach kung naka-move on na ba siya sa kayang ex-girlfriend na si Toni, tahasa nitong inamin na naka-move on na umano siya lalo pa’t iyon naman talaga umano ang gusto ng mga tao, na tuluyan na siyang makalimot sa kanyang past relationship.

“Sinasabi niyo kapag hindi ako naka-move on, baliw ako. Ngayon na nag-eenjoy ako, baliw parin ako. Saan ako lulugar?”

Saad nito.

Paglilinaw pa ni Rob, hindi niya umano kilala ang babae na nakasama niya sa bar, dahil matagal na umano nang mangyari iyon at paulit-ulit nitong sinabi na wala naman umano siyang ginawang mali. Natanong rin siya ng kanyang kaibigang coach, kung sa tingin niya ba ay nagalit si Toni sa ginawa niya. Sagot ni Rob na bakit naman umano magagalit si Toni kung may Vince na ito sa buhay niya.

Maliban sa naturang video, una nang naglabas ng pahayag si Rob nang mag-post siya sa kanyang Facebook account nito lamang May 6.

Aniya,

“Ang hirap talaga malasing.”

Samantala, narito naman ang naging reaksyon ng ilang netizens.

Ano ang opinyon mo patungkol sa naging pahayag ni Rob Moya?

Leave a Reply

Your email address will not be published.