Naganap na ang pinaka-inaabangan ng maraming netizens, patungkol sa kung ano nga kaya ang reaksyon ng controversial Youtuber na si Rob Moya, ngayong opisyal nang magkasintahan ang ex-girlfriend nitong si Toni Fowler at Vince Flores.

Sa kanyang latest Youtube vlog na may title na “The last dance” at may Facebook caption na “I still love you, bestfriend”, mapapanood na muling pinagbigyan ni Toni ang hiling ni Rob na personal na makipag-usap.

Matatandaan kasi na hindi naging maganda ang huling pagkikita ng mga ito, nang subukan ni Rob na mag-propose ng ligaw kay Toni, kaya nabato ito ng singsing sa mukha.

Sa simula pa lang ng kanilang pag-uusap, binati kaagad ni Rob si Toni, ngunit hindi nito masabi kung para saan ba ang pag-congratulate niya.

“Yung sa amin ni Vince?”

Pagkumpirma ni Toni.

Hindi naman nila napigilang maging emosyonal habang binabalikan ang mga pangyayari sa kanilang relasyon noon at paulit-ulit na humingi ng sorry si Rob sa lahat ng maling nagawa nito sa dating nobya.

Nabanggit ni Toni na pilit umano niyang inayos noon ang kanilang relasyon dahil ayaw niya umanong dumating ang pagkakataon na panghihinayangan nila ang kanilang paghihiwalay. Nagkataon lang umano na huli na ito narealize ni Rob, kaya’t sising-sisi ito ngayon.

“Gusto ko maintindihan mo Rob na may mga bagay na hindi meant to be. Kasi may mga bagay na pinabayaan, may mga bagay na sinayang, may mga pagkakataon na hindi naman sinunggaban. Dahil hindi mo ako pinag-laban, nakakalungkot lang kasi hindi sa lahat ng panahon meron kang babalikan.”

Emosyonal na pahayag ni Toni.

Dito na nga nag-umpisang mag-iyakan ang ex-couple dahil sa kanilang mga mga reyalisasyon.

“I’m really sorry. Sobrang saya ko kasi sayo. Hindi na ako makahanap pa ng ibang babae na mas hihigit pa sayo, sa atin.”

Umiiyak na saad ni Rob.

Proud at masaya rin umano ito sa naging desisyon ni Toni para sa panibagong yugto ng buhay pag-ibig niya kasama si Tito Vince. Napagdesisyonan rin nila na maging magkaibigan na lang at wakasan na umano ang hidwaan sa pagitan nila.

Sa huli, tinanggap na ni Toni ang singsing na inihagis nito noong nag propose si Rob sa kanya at magiging simbolo na lang umano iyon ng kanilang pagiging mag-bestfriend.

“Kahit mag-bestfriend na lang tayo, I promise you, hinding-hindi kita iiwan. I might failed as a dad and as a partner, but ayoko mag fail sayo as a bestfriend.”

Madamdaming pangako ni Rob para kay Toni.

Sa dulo ng vlog, makikitang hinagkan at isinayaw ni Rob si Toni sa huling pagkakataon.

Samantala, ayon naman sa caption ng huling Facebook post ni Rob,

Ano ang masasabi mo sa naging closure ng ex-couple na sina Rob Moya at Toni Fowler?

Leave a Reply

Your email address will not be published.