Kapag artista ka ang inaasahan ng marami dapat ay hardworking at down to earth ka. Marami ring mga artista ang nag iinvest ng maayos ng kanilang mga pera at ang iba naman ay nalalaos at nami-mismanage ang kanilang mga kita.

Pero ibahin natin si Marvin Agustin. Sikat noong dekada nobenta, hindi makakaila na talagang sumikat siya sa galing niya sa pag arte at sa ganda ng mga storya ng pelikula na kaniyang pinagbibidahan. Hindi dito nagtapos ang kaniyang career dahil bukod sa pag akting pinasok niya rin ang mundo ng investing.

Business mind umano kung tawagin ng marami ang ganitong plano ni Marvin, at nagsimula siya mag invest sa rice toppings kart business kasosyo an gkaniyang mga kapatid, nag franchise din siya ng donut at nag aral ng culinary upang mas lalo pang palawakin ang kaniyang experience sa pagluluto ng iba’t-ibang putahe.

Kahit natigil sa pag arte, hindi talaga nalugi si Marvin dahil financially stable ito ngayon at may sarili na siyang restaurant kung saan pangunahing produkta niya ang conchinillo na sikat rin sa mesa ng bawat pinoy kada may okasyon.

Marami na ring ibang business restaurant investment na nagawa si Marvin, at talaga namang naging hamon sakanya ang mabilis na pag iiba-iba ng taste ng consumers habang tumatagal sa industriya ng culinary.

Ayon sa dating aktor, hindi naman para sa artista lamang ang pag iinvest.. dahil kahit ikaw ay ordinaryong mamamayan lamang ay mahalaga rin na isipin mo ang iyong future at kung saan dapat mo ilagay ang iyong pera para na rin sa stability mo hanggang pagtanda.

Isa rin sa mga naging payo ni Marvin ang pagbitaw sa takot na malugi at take the risk sa tuwing ikaw ay papasok sa mundo ng investment at business. Dapat rin namang kalkulado mo ang magiging takbo ng pera para kung sakaling may mga pagkakaiba sa proseso ay konti lamang ang damage na mararanasan mo mula rito.

Kaya para sa inyo, bukokd sa pag iipon talagang investment rin ang isa sa mga matalinong bagay na dapat mong gawin kung gusto mong palaguin ang iyong pera o ipon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *