Marami na talagang netizens at fans ang napapatanong ngayon sa kung ano na nga kaya ang real score sa pagitan ng Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose at ng singer, dancer, hunk actor na si Rayver Cruz.

Kinakikiligan kasi ngayon ang mga tila di umano napapadalas at lantaran na pagiging sweet at palitan ng mensahe ng dalawa sa kanilang social media accounts.

Kagaya na lamang ng Instagram post ng Asia’s Pop Sweetheart kamakailan, kung saan makikita ang sizzling hot bikini photos nito na talagang hinangaan ng marami. Kapansin-pansin ang pag-komento ni Rayver ng eyes at fire emoji sabay tanong ng,

“Pano maging fit?”

Sinagot naman ito ni Julie Anne.

“Just wear cruz fit.”

Subalit nito lamang May 11, 2022, tila mas lalong napaisip ang kanilang mga tagasubaybay sa naging komento nila sa latest post ng aktres na may caption na,

“Mundo umikot ka.”

Makikita nga sa larawan ni Julie na nakatalikod siya kaya’t nag kumento naman si Rayver.

“Harap ka naman pls.”

Ni-replyan naman ito ng aktres at sinabing,

“Pag nakita na kita.”

May banat naman si Rayver.

“Pag nakita kita, akin ka.”

Huling reply naman ni Julie,

“See you soon.”

Dahil dito, samo’t-saring espekulasyon ang nabuo mula sa netizens na ayon pa sa mga ito ay baka di umano low-key na nilang ibinabahagi sa madla ang kanilang totoong status.

Hindi nga lang ito ang kauna-unahang pagkakataong pinakilig ng rumored couple ang kanilang mga tagahanga, dahil makailang-beses ngang makikita sa kanilang Instagram posts ang sweetness at kulitan nila sa isa’t-isa, idagdag pa umano ang kanilang mga Tiktok covers na magkasama.

Matatandaang ilang araw lamang ang nakalilipas nang magbigay ng pahayag si Julie patungkol sa totoong status nila ni Rayver.

“Ang status ko po, masaya naman po, very, very happy. Siguro ‘yung specific question po, mas mabuti po siguro na siya na lang ang tanungin.”

Pahayag nito.

Aminado rin siyang iba ang kasiyahan niya kapag nakakasama ang aktor.

“Kasi ever since naman po talaga, sobra pong masayang kasama si Rayver. We enjoy each other’s company. We have a lot of things in common. Nakakatuwa lang po na we’re happy and we get to share stuff like that.”

Ayon naman sa panayam kay Rayver kamakailan,

“Anuman ‘yung sweetness na nakikita nila, lumalabas, dahil ‘yun sa pagka-comfortable namin sa bawat isa. ‘Yung bond na meron kami parang, ewan ko, iba eh.”

Pag-amin nito.

Samantala, matatandaang nang maghiwalay sina Rayver at Janine Gutierrez noong Ocotber 2021 ay siya namang pag-usbong ng di umano’y namumuong ugnayan sa tambalang Julie Anne at Rayver. Lalo pa ngang umingay ito dahil madalas silang magkasama sa mga proyekto na talagang mas nakikita ang pagiging malapit nila sa isa’t-isa.

Gayunpaman, wala pa namang pag-kumpirma ang dalawa sa totoong estado ng kanilang relasyon.

Sila na nga kaya? Ano ang opinyon mo patungkol rito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.