Kung mahilig ka sa beauty pageants marahil kilala mo si Ribaya Mateo noong sumali siya sa Miss Universe Philippines 2020 kung saan nagtapos ang kaniyang laban bilang top 21 finalist sa naturang patimpalak. 

At hindi lang bilang host at actress, masagana rin ang kaniyang career bilang entrepreneur kaya naman naisakatuparan niya ang kaniyang pangarap na makabili ng bahay para sa kaniyag pamilya sa Iloilo. Sa kaniyang instagram reel sinabi niya rin na.. “I’m kinda getting emotional kasi parang looking back then.. parang it was so impossible for us to have a property kasi nagre-rent lang kami.” 

Dagdag pa niya, “Tapos no permanent address din. Nakailang-lipat na din ng bahay. And God has been so good to me and my family. At sa lahat ng blessings na pumasok talaga, God is so good. So hopefully, in the coming years, mas mapaganda pa namin yung bahay na ito.”

Pinunto rin ni Rabiya Mateo na huwag mawalan ng pag asa ang mga breadwinners na katulad niya dahil may mga taong umaasa sa kanilang tagumpay. Pagdating rin raw ng panahon ay lahat ng hardwork ay babalik sainyo bilang biyaya. 

Sabi niya, “Use that as a fuel to strive harder kasi sobrang sarap sa feeling to be able to provide sa mga taong mahal mo.”  

Maraming pinagpasalamatan si Rabiya sa kaniyang mga achievements na nakatulong sa pagbili niya ng property para sa kaniyang mga magulang. 

Isa na rito ang GMA network para sa mga projects na binigay sakaniya at Miss Universe team niya. 

Lingid sa kaalaman ng marami laki sa hirap si Rabiya kaya naman hindi bago sa kaniya ang pagpupursigi at determinasyon na maabot ang kaniyang mga pangarap sa buhay. Gumraduate siyang cum laude sa kursong Physical Therapy sa Iloilo Doctor’s College. 

Humanga rin ba kayo kay Rabiya Mateo? Ikaw bilang breadwinner ano na rin ang naipundar mo? Share mo na yan sa comment section!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *