Usap-usapang muli sa social media ang singer-rapper na si Skusta Clee o Daryl Ruiz, dahil hindi pa man natatapos ang mga kontrobersya at isyung kinakaharap nito, subalit makikitang tila di umano may bagong kanta na naman itong ilalabas, bagay na matatandaang una nang napuna ng Youtuber na si Mark Jayson Warnakulahewa a.k.a Makagago.

Matapos ngang balikan si Skusta ng mga netizens at mga nagmamahal sa Youtube vlogger na si Zeinab Harake, dahil sa di umano’y mga nagawang panloloko nito sa kanyang dating kasintahan at mga anak, maingay naman ngayon ang tila paglalabas nito ng teaser ng kanyang bagong kanta na ipinost ng rapper sa kanyang social media account, nito lamang May 12, 2022.

Makikita kasi ang di umano’y sample photo mula sa music video na may caption na,

Dahil sa kanyang caption, hindi naman mapigilan ang iba’t-ibang reaksyon ng netizens lalo pa’t hindi lingid sa nakararami na makaraan lang, nang mag sunod-sunod ang mga negatibong pangyayari sa relasyon nito kay Zeinab at kanyang pamilya.

Kaya’t hindi rin ito pinalagpas ng “Pambansang Marites” na si Xian Gaza.

May be an image of 1 person, food and indoor

Ayon sa Facebook post nito,

Ayon pa sa mga kumento ni Xian,

Tila ang ipinapahiwatig umano ni Gaza ay dahil nangyari na noon ang ilang beses na paghihiwalay ng dalawa, subalit mapapansin na di umano’y nagkakabalikan din matapos mag-release si Skusta ng panibagong kanta para kay Zeinab.

Sa kabilang banda, matatandaang nang pumutok ang hiwalayang Zeinab at Skusta, viral rin ang paglalabas ng opinyon ni MG sa kanyang vlog, nito lamang Abril, kung saan tahasa niyang kinwestyon si Skusta.

“Bakit gano’n? Sa tuwing magkakaroon ng isyu, sa tuwing maglalabas ng ganito, sa tuwing may lalabas na ganitong isyu nang ganyan. After 2-3 weeks or 1 month, biglang may lalabas na music video si Skusta Clee.”

Pahayag nito.

Ayon pa kay MG, marahil hindi na umano sapat ang 1-2 million views para mabawi ang posibleng capital na 1M pesos sa isang music video, kaya para mabawi umano ang halagang tinaya sa music video ay kailangan makahakot ng 40-50 million views.

“This issue is very hard na pangunahan. Kasi yung sasabihin mo, kaya nila baliktarin later. 70% ng kaganapan na yan ay definitely scripted. YouTube is a big reality show. Lagi niyo tandaan ‘yan. That’s their job.”

Pagsisiwalat ng vlogger.

Samantala, narito naman ang samo’t-saring kumento ng netizens patungkol rito.

Ano ang opinyon mo patungkol sa isyung ito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.