Viral ngayon sa social media ang mga rebelasyon ng batikang talent manager na si Ogie Diaz, kaugnay sa umano’y totoong katauhan ng internet personality na si Vanessa Raval, base umano sa napag-usapan nila ng ama nitong si Jeric Raval.

Maingay nga kamakailan ang pangalan ni Vanessa dahil sa nilikha nitong isyu patungkol sa umano’y isang sikat at pangit na rapper na nangungulit sa kanya, kaya’t kaagad nadawit ang pangalan ng rapper na si Skusta Clee. Subalit kalaunan ay umamin si Vanessa na scripted lamang ang lahat ng ito.

Dahil sa kontrobersyang ito, hindi rin mapigilang madamay ang pangalan ng kapatid na si AJ Raval at amang si Jeric. Kaya’t humingi ng pakiusap si AJ na huwag umanong idamay ang kanyang pamilya sa mga isyu ni Vanessa, lalo’t hindi naman umano sila close at hindi niya ito nakasamang lumaki.

Naging palaisipan rin ang reaksyon ni Jeric ng makapanayam ito kamakailan ni Ogie sa kanyang Youtube vlog. Nang tanongin kasi ni Ogie kung ano ang masasabi niya sa isyung kinasasangkotan ni Vanessa ay tumanggi itong magsalita at huwag na lang umanong pag-usapan ito.

Sa kabilang banda, agaw-pansin naman ang tahasang paglalantad ni Ogie sa kanyang latest vlog kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh sa umano’y totoong pagkakakilanlan ni Vanessa, base umano sa napag-usapan nila ni Jeric.

Ani Ogie,

“Sinabi ni Jeric na hindi niya anak si Vanessa Raval. Si Vanessa Raval ay anak ng pinsang buo niya, na nakikitatay-tatay Eric na rin sa kanya.”

Panimula nito.

Nasabi pa nga umano ni Ogie kay Jeric na malaki ang pagkakahawig ni Vanessa sa itsura ng aktor. Subalit tugon naman nito,

“Oo, pero hindi ko siya anak. Hindi ko naman itatanggi kung anak ko, ano? 18 nga anak ko hindi ko naman itinanggi. Hindi naman sa ‘kin ‘yan. Hindi ko nga alam sa batang ‘yan bakit ganyan ang mga naglalabasan sa kanya.”

Paglilinaw ni Jeric.

Gayunpaman, nagbigay naman ng saloobin si Ogie patungkol kay Vanessa.

“Eto didiretsuhin ko na si Vanessa. Day, kung gusto mong pumasok sa aming industriya, diyan ka una nilang nakikilala. ‘Yung nagsinungaling ka, gumawa ka ng script. Kaya everytime magsasalita ka, baka magduda na ‘yung mga tao, hindi na sila maniwala sa’yo. Kaya ‘yon ang dapat mong ibangon ngayon, Vanessa, ‘yung iyong credibility. Naku tingnan mo oh, hindi pala siya anak ni Jeric. Tapos scripted lang pala. Tingnan mo, ganyan ang paumpisa mo, anak, paano?”

Mensahe ni Ogie.

Matapos nito, naglabas naman ng saloobin si Vanessa sa kanyang Facebook account kaugnay rito.

Samantala, narito naman ang samo’t-saring reaksyon ng netizens.

Totoo nga kayang hindi anak ni Jeric si Vanessa? Ano ang opinyon mo patungkol rito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.