Hindi puro saya at kasikatan ang dulot ng industriya ng showbiz lalo na kung nagsimula kang sumikat bilang child star. Maraming mga mata ang nakatingin sa bawat galaw mo at isang pagkakamali lamang ay puwedeng masira ang karera mo na maari ding makaapeko sa iyong adult life.

Sa mga nakalipas na taon marami tayong nabalitaan na mga dating child star na hindi naging maganda ang takbo ng karera sa industriya ng pag a-artista partikular na dito sa Pilipinas. Mula sa kasong drugs hanggang sa attempted homicide lahat ‘yan mayroong background ang bawat isa.

JIRO MANIO

Noong 2020 nag viral ang child actor na si Jiro Manio matapos itong makasuhan ng frustrated murder kung saan sinaksak niya ang isang lalaki ng ilang beses dahilan para isugod ito sa ospital. Masuwerte namang nabuhay at nagamot ang biktima noong taon na ‘yon.

Wala umanong dahilan si Jiro para saktan ang lalaki at bago pa man mangyari ang krimen ay kalalabas lamang ng aktor sa rehab center kung saan pinapagamot niya ang kaniyang drug addiction.

BARON GEISLER

Sikat sa paglantad ng kaniyang rude behaviors through live telecast ang dating PBB housemate na si Baron Geisler. Sa murang edad pa lamang ay naaresto na siya dahil sa pagsisigarilyo sa eroplano, violent behavior, grave threats and alarm pati na rin ang possession of bladed weapon.

Hindi makakaila na maraming pinagdaanan si Baron noong kaniyang kabataan na nalagpasan na niya ngayon at ayaw na niyang balikan. Minsan na rin siyang naakusahan ng alleged sexual harassment ni Yasmin Kurdi noong 2009.

BILLY CRAWFORD

Minsan na ring naging alcoholic ang TV host, musician and then actor na si Billy Crawford. Base sa mga naging ulat noong 2014 kung kailan siya nakulong, nalasing daw umano ang sikat na artistang ito at bigla na lamang pinasok ang ang isang presinto sa BGC at nag demand na siya ay ikulong.

Hindi lamang pag aamok ang ginawa ni Billy kundi umabot rin sa pisika ang kaniyang naging pag uugali kung saan allegedly niya rin na-injure ang isang desk officer at nakasira pa ng ibang premise property.

Nang mahimasmasan sa kaniyang pagkakalasing, humingi naman ng paumanhin si Billy para sa kaniyang violent behavior at kinumpirma niyang dala na rin ito ng impluwensya ng alak.

NINO MULACH

Kung ikaw ay millenial na mahilig manuod ng mga movies at teleserye noon, ay tunay nga naman na kilala mo ang sikat na aktor na si Nino Mulach. Kilala bilang “Child Wonder of the Philippines” talaga namang walang kupas ang galing ng aktor na ito sa pag arte. Kaya naman nang muli itong nag trending noon at nakulong sa ilalim ng mga kasong violation of Republic Act 9165, or the Dangerous Drugs Act of 2002 ay talaga namang marami ang nagulat at nalungkot.

Ngunit sa kabila ng lahat ng mga nakahaing kaso na ito laban sakaniya ay nanatili siyang matigas at buong loob na nag plead ng not guilty sa mga akusasyong ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *