“I feel betrayed.”

Ito ang mga salitang nabitiwan ng celebrity mom na si Matet de Leon laban sa kanyang ina at “Superstar” ng Philippine cinema na si Nora Aunor. Tila may namumuong awayan kasi sa pagitan ng mag-ina matapos umano direktang kinumpetensiya ng sariling ina ang kanyang gourmet tuyo at tinapa business.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng kanilang mga fans na si Matet ay ang ikalawang ampon ni Nora Aunor at ng dating asawang si Christopher de Leon. Sa Instagram post ni Matet nito lamang December 4, 2022, una nitong pinalagan ang ina at naglabas ng saloobin kaugnay sa umano’y panggagaya ng kanyang paninda.

Aniya,

Kalakip ng post ay ang larawan ng kanilang mga produkto. Ayon pa sa hinaing ng dating child star sa kanyang Youtube live, matinding paghihirap umano ang dinadanas nilang mag-asawa para lang magawa ang mismong finish product ng kanilang itinitinda. Kaya’t hindi umano siya makapaniwala na gagayahin lang at kakalabanin umano siya sa negosyo ng kanyang ina. Ang ikinasasama pa umano ng loob ni Matet ay nang itago ito sa kanya at hindi man lang ipinaalam na may itinitinda na pala silang kapareho ng negosyo niya.

Emosyonal pang pahayag ni Matet,

“Paanong nagawa sa akin ng nanay ko ‘to? Hindi ko matanggap. I feel betrayed, para akong trinaydor. Ampon na ampon ang pakiramdam ko ngayon. Ang lakas maka-ampon nang ginawa nila. Damang-dama ko ang pagkaampon ko.”

Pagpapasaring nito.

Aminado ang aktres na hindi kasi umano stable ang trabaho niya ngayon sa pag-aartista, kung saan hindi niya umano alam kung may kinalaman ba ito sa kanyang bipolar disorder.

“Ginawa ko ‘tong negosyong ‘to dahil wala na akong trabaho, wala na akong taping. Baka siguro dahil sa mental illness, pwede hindi ko rin alam e baka may nakaaway, hindi ko rin alam actually. Itong negosyong ‘to yung inaasahan namin ngayon. Hirap na hirap kaming magkakapatid. Hirap na hirap na kami, grabe. Si mommy doesn’t love us. Hindi niya gagawin ‘to kung mahal niya kami. Ngayon ko lang na-realize talaga na hindi kami mahal ng nanay namin.”

Tahasang pahayag nito.

Sa kabilang banda, mapapanood naman sa kanyang IG stories nito lamang December 5 na pinalagan din nito ang mga ‘Noranians’ o ang mga fans ni Nora Aunor, dahil hindi umano siya tinatantanan ng pambabatikos ng mga ito dahil sa sigalot nila ngayon ng kanyang ina.

Gayunpaman, wala pa namang inilalabas na pahayag ang premyadong aktres kaugnay sa mga buwelta sa kanya ni Matet.

Ano ang opinyon mo sa sigalot ni Nora Aunor at Matet de Leon?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *