Muli na namang namangha ang mga tagasubaybay ng TV host actress na si Maine Mendoza, nang magbalik tanaw ang netizens sa mga post nito sa Twitter na kalaunan ay halos nagkatotoo.

Marami ngang mga fans at followers nito ang nakapagsasabi na siya umano ang modern “Nostradamus ng Pinas” dahil maihahalintulad siya sa sikat na French astrologer at physician na si Nostradamus na kilala sa tumpak na mga prediksyon nito o sa paghula sa mga kaganapan na mangyayari pa lang sa hinaharap.

Ayon pa sa ilang netizens, ang mga tweet post ni Maine na nagkakatotoo ay tila kagaya rin umano sa mga Facebook post ng social media personality at psychic na si Rudy Baldwin, kung saan kilala ito sa kanyang mga visions at predictions na madalas niyang i-post sa kanyang FB account at ‘di umano nagkakatotoo nga.

Narito ang ilang mga tweet post ni Maine na nagkatotoo base sa obserbasyon ng ilang netizens.

Noong March 2010, nang mag-tweet ito ng animo’y para siyang isang VJ.

At April 2020 ay isa nga ito sa naging MYX Celebrity VJ.

Ayon naman sa kanyang tweet noong May 2010,

Ngunit taong 2016 ay nanalo ang aktres bilang Pinoy Favorite Personality sa Nickelodeon Kids’ Choice Award.

Noong April 2010, taga-wow lang umano ito.

Subalit taong 2018, siya ang first Filipina endorser ng MAC cosmetic lipstick.

April 2010, nang mag-tweet ito na kinikilig umano siya sa hunk actor na si Jake Cuenca.

At taong 2019, ay naging leading man niya ito sa pelikulang Mission Unstapabol: The Don Identity.

Taong 2010 parin, nang sabihin nitong balang-araw ay makikita siya sa TV.

At taong 2015 nga ay ang hindi malilimutang debut ni Maine sa Eat Bulaga bilang si Yaya Dub. Bukod pa rito ay nagtuloy-tuloy pa ang pamamayagpag ng career niya bilang aktres hanggang sa kasalukuyan.

At noong July 2011, sinabi nitong

Nagkatotoo nga ito kung saan nangyari ang hindi malilimutang phenominal love team nila ni Alden Richards na “AlDub” na siyang nabuo noong July 16, 2015.

Ayon pa sa mga tweet ni Maine taong 2010,

At taong 2015 nga ay naging instant superstar ito at hindi nga mapigilan ang pagiging papular ni Maine dahil sa kanyang mga achievements.

Subalit ang talagang ikinatuwa ng maraming fans, ay ang kanyang viral tweet na “Arjo Cutie”, kung saan nagpapahiwatig lamang siya ng paghanga sa aktor na si Arjo Atayde noong July 28, 2013.

Ngunit taong 2018 nang maging boyfriend niya ito at kamakailan lamang nitong July 28, 2022 ay naganap ang engagement proposal ng couple.

Ayon pa sa Instagram caption ni Arjo,

Samantala, narito naman ang komento ng ilang netizens.

Mala-Nostradamus ng Pinas nga kaya si Maine? Ano ang opinyon mo patungkol rito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.