Kung ide-define natin ang word na heartthrob, ito talaga yung mga tipo ng lalaki na tinitilian, hinahangaan at kahit saang anggulo mo tignan ay talagang bibigyan ka ng mini heart attack. Mas lalo ka pang mai-inlove kapag tinitigan ka!

Kung karisma, ka-gwapuhan lang din ang pag-uusapan hindi papahuli ang mga Pinoy celebrities. Simulan natin ang listahang ito kay:

JERICHO ROSALES

Kilala si Jericho hindi lang sa galing nito sa pag-akting kundi sakaniya ring charming na mukha at nakakaakit na kabaitan. Kahit may edad na ang aktor ay talaga nga namang hindi ito halata dahil mahilig siyang mag work out which makes him look younger kahit ilang taon pa ang lumipas.

Kung hindi niyo alam, bago pa man maging Kapamilya ang aktor na ito ay nagsimula ang kaniyang career sa Eat Bulaga matapos niyang manalo ng titulo na Eat Bulaga’s Mr. Pogi noong 1996.

RICHARD GUTIERREZ


Isa sa mga celebrity hunk na palaging niyayanig ang ating social media feeds ay ang aktor na si Richard Gomez. Very manly ang bawat outfit na suot nito, at sa natural na tisoy looks niya ay talaga namang mapapa-yes ka kung sakaling imbitahin ka niya lumabas!

Nagsimula sa industriya ng pag-akting sa murang edad, marami nang nabighani sakaniyang galing dahil na rin sa kanyang bibo attitude sa bawat pelikula na kanyang pag gagampanan.

TOM RODRIGUEZ


Killer smile, manly stance at foreigner looks naman ang hatid sa atin ng celebrity heartthrob na si Tom Rodriguez. Kitang kita talaga na high maintenance si Tom pagdating sa kaniyang physical lifestyle dahil well formed ang kaniyang six pack abs na talaga namang tinitilian ng mga kababaihan sa tuwing siya ay may sexy movies.

Nagsimula si Tom sa kanyang karera matapos niyang maging official housemate sa Pinoy Big Brother. Natural ang ipinamalas na talento ni Tom dahil na rin sa hilig niya sa pag arte, arts and music.

PAULO AVELINO

Sino nga bang hindi gugustuhin ang nag iisang Paulo Avelino! Madalas na naka-cast sa mga Pinoy teleseryes, movies and netflix originals, talaga namang ibang klaseng karisma ang impact ng ating celebrity heartthrob na si Paulo Avelino. Kahit ano pang karakter ang kaniyang gampanan siguradong mamahalin ito ng mga manunuod agad dahil na rin sa beterano niyang experience sa pag arte.

Ikaw sinong bet mong heartthrob celebrity ngayon?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *