Agaw-pansin ngayon sa social media ang umano’y sweet na palitan ng mensahe ng ex-partner na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica sa kakatapos lang na Father’s day celebration.

Marami kasing netizens ang na-touch sa simpleng mensahe ng multi-talented actress sa kanyang ex-husband lalo na nga’t hindi naman kaila sa publiko ang matinding kontrobersyang pinagdaanan nila makaraang taon dahil sa kanilang naging break up.

Subalit, pinuri ng ilang netizens ang mga ito dahil sa kabila ng mga nangyari ay tila hindi pa rin umano inaalisan ni Kylie ng karapatan si Aljur sa pagiging ama niya sa kanilang mga anak na sina Alas at Axl.

Ayon sa Instagram story ng aktres, makikitang hindi nito pinalagpas na mabati si Aljur kahit pa nakalipas na ang isang araw.

“Belated happy father’s day @ajabrenica.”

Caption ni Kylie.

Makikita rin na ibinahagi niya ang larawan ni Aljur kasama ang dalawa nilang anak. Buong pagpapasalamat naman itong ni-repost ng aktor sa kanyang Instagram story nito lamang June 20, 2022 at sinabing,

“Thank you @kylienicolepadilla (with heart emoji).”

Dahil dito marami pa ring netizens at tagahanga ng ex-couple ang umaasang magkakabalikan pa ang dalawa lalo na at spotted rin silang magkasama kamakailan lang sa isang orthodental care clinic.

Ngunit matatandaan sa mga huling statement ni Kylie na ni-reveal niya sa news anchor na si Nelson Canlas kung ano ang estado ngayon ng kanyang puso. Naitanong kasi sa aktres kung na sa dating stage ba siya ngayon.

“Yes, I am dating.”

Sagot ni Kylie.

At matatandaan rin na ni-reveal naman ni Aljur na nililigawan nito ang sexy actress na si AJ Raval. Ganon pa man, nananatili umano silang magkaibigan at bukas rin sila sa ideya na magkaroon ng isang blended family para sa co-parenting nila sa kanilang mga anak.

Samantala, nagpahayag naman ng kani-kanilang opinyon at saloobin ang ilang netizens patungkol sa naging interaksyon ng ex-partner.

Narito ang kanilang komento.

May tyansa pa kayang magkaroon ng comeback sina Aljur at Kylie? Ano ang opinyon mo patungkol rito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.