Viral ngayon sa social media ang pinag-uusapang body transformation ng aktres na si Kris Bernal.

Naibahagi kasi nito kamakailan sa kanyang mga social media accounts ang kasiyahan niya, dahil sa wakas ay nadagdagan na ang kanyang timbang. Hindi naman lingid sa publiko na hindi naging maganda ang reaksyon ng karamihan sa kanyang pagpapapayat makaraang taon. Kung saan, nagtrending ang pangbobody shame sa kanya at katakot-takot na pambabatikos ang natanggap nito mula sa mga mapanghusgang bashers.

Ilan nga sa mga masasakit na salitang natanggap ni Kris ay ang di umano buto’t-balat, parang magkakalas-kalas, zombie, punong kawayan, adik, bangkay at marami pang iba.

Marami rin ang nag-aakala noon na baka di umano may iniindang sakit si Kris kaya lubos ang pagpayat nito, subalit nilinaw niya na wala umano siyang karamdaman at dulo’t umano iyon ng kanyang workout routine.

Kaya naman, agaw-pansin ngayon ang malaking pagbabago at mas toned figure nito na siya namang pinuri ng maraming netizens. Makikita kasi sa kanyang post ang mga larawan niya mula sa bakasyon nila kamakailan ng kanyang chef husband na si Perry Choi sa Palawan.

Sa kanyang caption, kinumpirma nga ni Kris na nadagdagan umano siya ng 10 pounds at ito ay dahil sa kanyang maalagang asawa.

Pahayag ng aktres.

Marami nga ang nakapansin sa mas blooming at mas magandang pangangatawan nito ngayon, kung saan pinuri rin ng mga netizens ang kanyang mister. Dahil magmula umano ng ikasal ang mga ito noong September 2021, ay mas dumagdag ang timbang ng aktres na tila busog na busog umano ito sa pagmamahal ni Perry.

Samantala, narito naman ang papuring komento at reaksyon ng ilang netizens sa mas fit na body figure ngayon ng aktres.

Ano ang mensahe mo sa naging body transformation ngayon ni Kris Bernal?

Leave a Reply

Your email address will not be published.