Viral nga kamakailan ang kumalat na sweet at kissing photos ng aktor na si Jeric Gonzales kasama ang hindi pinangalanang lalake.

Pinagmulan nga ito ng malaking komosyon mula sa kanyang mga tagahanga at kwestyonable ito dahil alam ng nakararami na kasintahan niya si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

Pero may ilang netizens rin ang nakapagsasabi na di umano wala itong katotohanan dahil eksena lamang umano iyon sa isang Indie film ni Jeric ilang taon na ang nakalilipas.

Sa kabila ng iba’t-ibang espekulasyon, dedma ang magkasintahan sa isyu at nakapag-post pa ng kanilang date night photos na tila gusto nila umanong sabihin sa publiko na ayos lang sila.

Gayunpaman, tila may rebelasyon naman ang dalawang batikang showbiz commentator na sina Cristy Fermin at Ogie Diaz sa alegasyong ito laban sa aktor. Ayon sa Youtube channel ni Ogie kasama sina Mama Loi, sinabi nitong base umano sa kanyang reliable source ay di umano hindi scripted ang mga kontrobersyal na larawan ni Jeric.

“May nakarating sa atin Loi, sinabi lang daw na indie film, pero hindi raw indie film ‘yon. It happened in reality. ‘Yung matanda daw kasi ay producer ‘nun. So, parang nag-uusap silang ganun, tapos nagkunwa-kunwarian sila. Hindi raw nila alam na kinukunan sila.”

Pagsisiwalat ni Ogie.

Ayon pa sa batikang talent manager, ang nakakagulat pa umano sa mga larawan ay dahil di umano kuha lamang iyon ngayong taon. Sinabi pa umano ng kanyang source na di umano hindi lamang ito ang unang pagkakataong na-link si Jeric sa kapwa niya lalake.

Sa kabilang banda, mainit ring balitaktakan ito sa Youtube channel ng batikang kolumnistang si Fermin kasama sina Romel Chika at Morly Alinio.

Ayon sa panimula ni Cristy,

“Ano masasabi ninyo kay Jeric? Kasi ang balita, tuwing may makakarating na kwento kay Rabiya tungkol sa pamamakla ni Jeric Gonzales, nagbabanta siya makipag-break. At ang balita nga iniwan na si Jeric, tapos makalawa sila na naman.”

Saad ni Fermin.

Base naman sa larawang kumalat kamakailan, kinumpirma rin ng mga ito na di umano’y producer nga ang lalakeng kahalikan ni Jeric.

“May mga tao sa tabi ni Jeric na ang lahat daw ay paninira lamang kahit naman itong huli ay producer ito, nagkatuwaan lang daw. Gagawin mong katatawanan ang buhay mo na magsusuot kayo ng singsing na identical at maghahalikan kayo at tatakpan ‘yung isa, di ba?”

Hindi lang umano ito ang unang pagkakataon, dahil marami pa umanong nalalaman ang kolumnista bagay na hindi siguro umano naipagtapat ni Jeric kay Rabiya. Gaya na lang di umano ng nakarelasyon nitong isang mayamang businessman na pamilyado

“Ito ay idini-deny ni Jeric Gonzales. Nakarating na kay Rabiya ‘yan ,e. Hindi raw totoo ‘yon. Nako Jeric, ‘wag ka namang ganyan. Hindi naman kami ipinanganak kahapon. Gusto mo pati mga resibo ng nililipat na pera sa account mo, alam namin. Gusto mo pati ‘yung paki-usap sayo nung asawa ng negosyante na kung maaari, iwanan mo ‘yung asawa niya at iwanan mo lahat ng nakuha mo sa asawa niya, alam namin. Sobrang kapal na ni Jeric.”

Pagsisiwalat ni Fermin.

Samantala, tahimik man ang couple patungkol rito, maging sa umuugong nilang hiwalayan, subalit agaw-pansin ngayon ang pag-unfollow nila sa kani-kanilang Instagram account at makikitang deleted na rin ang mga larawan nila ni Jeric na magkasama.

Gayunpaman, wala pa namang official statement si Jeric patungkol sa katotohanan ng mga alegasyon at espekulasyong ibinabato sa kanya.

Ano ang opinyon mo patungkol sa isyung ito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.