Mainit na pinag-uusapan ngayon sa mundo ng showbiz at sa social media ang kumakalat na haka-haka at espekulasyon na di umano buntis ang premyadong aktres na si Julia Montes.

Umuugong nga ngayon ang balitang ito mula sa mga netizens at ilang kilalang showbiz columnist na siya pa ngang lalong pinagmumulan ngayon ng samo’t-saring alegasyon. Natalakay nga ito kamakailan sa latest episode ng “Showbiz Now Na!” sa Youtube channel ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin kasama sina Morly Alinio at Romel Chika.

Hindi pa man umano tuluyang umaamin at wala pang pagklaro ang rumored couple na sina Julia at Coco Martin sa kanilang tunay na relasyon o ugnayan, maging ang usap-usapan taong 2019 sa di umano pagbubuntis ni Julia sa una nilang anak, ngayon ay nasundan pa ito ng kumakalat na espekulasyong di umano buntis ang aktres.

Unang binaybay nila Fermin ang di umano identical ring nina Julia at Coco na hinihinalang di umano engagement ring o di umano wedding ring ng rumored couple. Una itong napansin noong nagsalita ang aktor sa burol kamakailan ng veteran actress na si Susan Roces at sa latest photo ni Julia sa kanyang Instagram account.

Ayon pa sa komento ng ilang netizens,

Ayon kay Fermin, napansin rin umano ng mga netizens na tila itinatago ni Julia ang kanyang tiyan sa iba pa niyang litrato sa IG. Sa unang litrato, nakaupo si Julia at natatakpan ang kanyang tummy ng mga produktong kanyang ineendorso.

Sa ikalawang larawan naman ay nakapatong ang unan sa kanyang tiyan habang nagkakape. Marami rin umano ang nakapansin sa tila di umano biglaang pagdagdag ng timbang ng aktres.

“Nagsimula ‘yung ingay ng pagdadalantao na ‘yan nung lamay ni Manang Inday (Susan Roces). Nagpunta po mga ka-chika ang lahat ng staff, crew at mga artista ng ‘Ang Probinsyano’ sa lamay. Wala si Julia Montes. Hinanap siya. Ang dahilan na lumutang, bawal daw po magpunta sa burol ang buntis. Eh, ano ngayon kung nagdadalantao si Julia, nanjan naman si Coco para sumagot? At hindi po imposible na magdalantao ang babae kung nanjan ang kanyang pinakamamahal.”

Kwento ng kolumnista.

Ayon pa sa say ng mga ito patungkol sa di umano pagtatago nina Julia at Coco,

“Sana lang matanggap nung bata ‘yung magiging rason ng kanyang magulang. Kasi, parang isang mag dyowa tapos itinatanggi mo ako, gaano kasakit sa dyowa mo na itinatanggi ka sa publiko? What more pa kaya kung anak mo na dugo’t laman mo itinatanggi mo sa publiko?”

Saad ng mga ito.

Samantala, napansin rin ng mga netizens na hindi na umano masyadong napapanood si Julia bilang leading lady ni Cardo Dalisay sa “FPJ’s Ang Probinsyano” at ang huli umanong appearance ng aktres ay nitong Mayo. Kaya naman tila nahihinuha ng iilan na di umano nagdadalantao nga ang aktres.

Narito ang samo’t-saring espekulasyon ng ilang netizens.

Gayunpaman, wala pa namang pagkumpirma at official statement ang rumored couple na sina Julia at Coco patungkol sa buong katotohanan ng mga alegasyong ito.

Makatotohanan nga kaya ito? Ano ang opinyon mo patungkol sa isyung ito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.