Viral ngayon ang balitang ‘di umano kasalukuyang nasa ICU ang kampeon ng Pilipinas Got Talent na si Jovit Baldivino matapos mag-collapse sa isang party sa Batangas City at pumutok ang ugat sa ulo na hinihinalang ‘di umano aneurysm ang nangyari sa singer.

Ngunit kaagad naman itong pinabulaanan ng misis na si Camille Ann Miguel at nanawagan sa mga media na nagpapakalat ng fake news.

Ayon sa panayam sa kanya ng PEP.ph nitong December 6, 2022, kinumpirma niya na naka-confine ngayon si Jovit sa isang ospital sa Batangas. Ngunit hindi umano totoong nag-collapse ito sa isang party. Sa huli, privacy at respeto sa kanilang pamilya ang hiling ni Camille.

Aniya pa,

“He’s in the hospital right now, [we’re] asking for prayers, not fake news.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *