Usap-usapan ngayon sa social media ang nakakagulat na pagsisiwalat ng batikang talent manager na si Ogie Diaz sa ‘di umano totoong pagkatao ng social media personality na si Vanessa Raval.

Kamakailan lang kasi ng umugong ang pangalan nito dahil sa kanyang ginawang ingay sa social media, kung saan inokray niya ang isang sikat na rapper at nadawit ang pangalan ni Skusta Clee. Subalit sa huli ay umamin itong scripted lamang ang lahat kaya’t hindi ito ikinaganda ng kanyang imahe. Dahil dito, hindi naman mapigilang madamay rin ang pangalan ng naipakilalang kapatid nito na si AJ Raval at amang si Jeric Raval.

Kaya’t nagsalita rin si AJ at sinabing huwag umano sanang idamay ang pangalan ng kanyang pamilya sa mga kontrobersyang kinasasangkutan ni Vanessa. Tila nga umano itinanggi ito sa madla dahil sinabi nitong hindi niya close si Vanessa dahil hindi niya nakasamang lumaki.

Marami rin ang nagtataka sa naging reaksyon ni Jeric nang makapanayam ito kamakailan ni Ogie sa kanyang vlog, kung saan naitanong rin ng batikang talent manager ang patungkol sa isyu ni Vanessa, subalit naging tikom ang bibig nito at ayaw niya umanong pag-usapan ito.

Sa kabilang banda, tahasang nilantad ni Ogie sa kanyang latest vlog kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh ang tunay na pagkakakilanlan ni Vanessa base umano sa napag-usapan nila ni Jeric.

Aniya,

“Sinabi ni Jeric na hindi niya anak si Vanessa Raval. Si Vanessa Raval ay anak ng pinsang buo niya, na nakikitatay-tatay Eric na rin sa kanya.”

Prangkang pahayag ni Ogie.

Sinabi pa umano ni Ogie kay Jeric na malaki umano ang pagkakahawig ni Vanessa sa itsura nito.

Sagot naman ng batikang action star,

“Oo, pero hindi ko siya anak. Hindi ko naman itatanggi kung anak ko, ano? 18 nga anak ko hindi ko naman itinanggi. Hindi naman sa ‘kin ‘yan. Hindi ko nga alam sa batang ‘yan bakit ganyan ang mga naglalabasan sa kanya.”

Saad umano ni Jeric.

Sa huli, nagpahayag naman ng saloobin si Ogie kay Vanessa.

“Eto didiretsuhin ko na si Vanessa. Day, kung gusto mong pumasok sa aming industriya, diyan ka una nilang nakikilala. ‘Yung nagsinungaling ka, gumawa ka ng script. Kaya everytime magsasalita ka, baka magduda na ‘yung mga tao, hindi na sila maniwala sa’yo. Kaya ‘yon ang dapat mong ibangon ngayon, Vanessa, ‘yung iyong credibility. Naku tingnan mo oh, hindi pala siya anak ni Jeric. Tapos scripted lang pala. Tingnan mo, ganyan ang paumpisa mo, anak, paano?”

Mensahe ni Ogie.

Gayunpaman, naglabas naman si Vanessa ng reaksyon kaugnay rito.

Aniya,

“MAY KAILANGAN NANAMAN AKONG LINAWIN MAMAYA ABOUT SA TATAY KO AT SAAKIN. PERO DONT WORRY, HINDI ISSUE TO. KARAPATAN KO PO NA MAG SALITA ABOUT DITO SALAMAT PO.”

Saad nito.

Samantala, narito naman ang iba’t-ibang reaksyon ng netizens.

Makatotohanan nga kaya ito? Ano ang opinyon mo mga sa isiniwalat ni Ogie Diaz?

Leave a Reply

Your email address will not be published.