Nagsalita na at nagbigay na ng saloobin ang batikang action star at ama ni AJ Raval na si Jeric Raval. Kaugnay sa isyung nakakabit sa aktres na ‘di umano buntis ito at si Aljur Abrenica ang ‘di umano ama ng dinadala nito.

Sa latest online show ng batikang talent manager na si Ogie Diaz, nakapanayam nito si Jeric at naitalakay rin ang patungkol kay AJ. Aminado itong bilang ama ay nasasaktan rin umano siya sa mga batikos na naririnig para sa anak.

“Sabi ko nga, hindi ko na lang binabasa, hindi ko iniintindi kaya wala. Kasi parang kasama na ‘yan, e, pag nag-artista ka. Pag nag-artista ka, ready ka diyan. Hindi lahat ng tao natutuwa sa ‘yo. Kung hindi ka ready diyan, hindi para sa ‘yo ‘tong trabaho na ‘to.”

Panimula nito.

Tahasa namang nagpahayag ito patungkol sa ‘di umano mga isyung pilit idinidikit ngayon kay AJ. Kung saan matatandaang ang batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin ang nagkumpirmang ‘di umano buntis nga si AJ.

“Sabi ko (kay AJ), ‘Bats, bakit kaya hindi mo pa sagutin?'”

Tanong ni Jeric sa anak.

Ayon umano kay AJ, paulit-ulit na lamang umano ang isyu kaya’t nagsawa na daw itong sagotin.

Diretsong tanong naman ni Ogie,

“So, hindi totoong buntis siya?”

Tugon ni Jeric,

“Hindi, eh bat siya nagsu-shooting kagabi? Although, I haven’t seen her for two weeks, three weeks.”

Muling klinaro ni Ogie na at least umano ay nanggaling mismo kay Jeric na hindi buntis ang kanyang anak.

“Hindi naman. Tsaka kung buntis, e, di mabuti, at least hindi pala siya baog. Tsaka, ewan ko, ginagawa nilang problema yun pag ang tao buntis. Pag buntis edi manganak. Ang masama, pag buntis ka, kabuwanan mo na hindi ka pa makapanganak, problema ‘yun.”

Pagbibiro pa ng aktor.

Sa kabilang banda, tinuldukan rin nito ang bali-balitang ‘di umano mayroon ng anak si AJ bago pa man ito mag-artista. Ayon kay Jeric, posible umanong ang mga batang nakikita ng ibang tao na kasama ni AJ noon ay ang mga batang pamangkin niya lamang.

Pagtanggi pa nito,

“Ah wala. Kung may anak ‘yan hindi ‘yan pwede mag-eksena ng mga ganun. Syempre hindi mo naman maitatago ‘yang kamot.”

Saad ni Jeric.

Samantala, inulan naman ito ng iba’t-ibang reaksyon mula sa netizens.

Ano ang opinyon mo sa mga naging pahayag ni Jeric Raval?

Leave a Reply

Your email address will not be published.