Naalala niyo pa ba ang dating sikat na child wonder na sumikat sa Kapuso fantaseryeng Iglot? Ito na pala siya ngayon.

Sino ba naman ang makakalimot sa napaka-cute, bibong bata at talentadong child star na si Milkcah Wynne Nacion? Matatandaang isa siya sa mga batang aktres na talaga namang sinubaybayan at minahal ng mga manonood dahil sa napakagaling na pag-arte nito sa harap ng kamera.

Anim na taong gulang pa lamang ito ng magsimula sa kanyang career sa showbiz. At kaagad nabigyang pansin ng publiko dahil sa effortless na pag-iyak na talaga namang nadadala ang mga manonood sa kanyang dramatic skills.

Ilan nga sa hindi malilimutang mga proyekto nito sa telebisyon ay ang fantasy anthology na “One Day Isang Araw”, “My Daddy Dearest” at madalas rin itong mapabilang sa mga drama anthology shows gaya ng “Magpakailanman”, “Karelasyon” at “Imbestigador”.

Subalit, mas naging papular si Milkcah ng gampanan niya ang kauna-unahang lead role sa Kapuso fantaserye na “Iglot”, taong 2011. Sa halos 200 aspiring child stars na nag-audition para sa role bilang Luningning, si Milkcah umano ang nangibabaw sa lahat. Kaya naman hindi na kataka-takang kinaya nitong makipagsabayan sa ilang mga dekalibreng aktor. Gaya nina Claudine Barretto, Marvin Agustin, Jolina Magdangal at Eddie Garcia.

Ilan pa nga sa mga child wonders na madalas makasama noon ni Milkcah sa mga palabas ay ang kanyang mga showbiz friends na sina Barbara Miguel, Jillian Ward, Elijah Alejo at Kyle Ocampo. Huli namang napanood ang dating child star sa ilang episode ng 2021 romcom series na “Owe My Love”.

Sa kabilang banda, mapapansing hindi na ito ngayon aktibo sa showbiz.

Dahil ayon sa kanyang mga Youtube vlogs, makikitang mas prayoridad niya na muna ngayon ang kanyang pag-aaral. Kung saan siya ay isa umanong STEM student at in coming college student na.

Samantala, kapansin-pansin naman ang mga larawan nito sa kanyang mga social media accounts. Makikitang dalagang-dalaga na nga ang 16-year-old na si Milkcah at malaki na ang kanyang naging transformation.

Dahil ang noo’y napaka-cute at bibong bata lang ay isa ng napakagandang dalaga. Kagaya ng karamihan sa mga kabataan ngayon, maituturing na avid fan rin ito ng mga papular na K-pop idols base sa mga ibinabahagi niya sa kanyang mga social media accounts.

Ano ang masasabi mo sa naging transformation ni Milkcah Wynne Nacion?

Leave a Reply

Your email address will not be published.