Isa na marahil ang dating papular at talentadong child star na Angeli Gonzales sa mga celebrity na nilisan ang kasikatan sa showbiz para i-pursue ang kanilang pangarap sa buhay.

Hindi nga malilimutan ng kanyang mga tagahanga ang noo’y bibo at napaka-cute na batang Angeli lalo na nang maging cast ito sa iconic sitcom na “Home Along Da Riles”.

Isa rin ito sa mga kabataang kinakiligan at minahal ng mga manonood, nang mapabilang sa Kapamilya teen sitcom series na “Luv U” bilang ang karakter ni “April Muñoz”, taong 2012. Matatandaang nakasama niya rito ang iba pang cast gaya nila Miles Ocampo, Kiray Celis, Marco Gumabao at CJ Navato.

Ngunit sa kabila ng kasikatan, mas pinili ni Angeli na ipagpatuloy ang buhay sa likod ng kamera at ipagpatuloy ang kanyang edukasyon.

Matapos magpursigi sa pag-aaral, nagtapos ito ng Doctor of Medicine degree sa De La Salle Medical and Health Sciences Institute, taong 2019. Nakatanggap rin ito ng special awards gaya ng Outstanding Clinical Clerk, Family and Community Medicine at Special Citation for Academic Excellence.

Hindi rin nagtagal, matagumpay naman itong nakapasa sa Physician Licensure Exam, taong 2020. Makikitang ibinahagi ni Angeli ang resulta nito sa kanyang Instagram account na may caption na,

“Finally #LicensedtoHeal. To God be the Glory!”

Bukod pa rito, isa na ring Registered Medical Technologist at Medical Laboratory Scientist si Angeli na certified ng American Society for Clinical Pathology International.

Ngayon nga ay abala na ito sa pagtatrabaho bilang doktor, ngunit minsan ay may napapatanong pa rin umano kung bakit niya napagdesisyonang i-pursue ang naturang propesyon sa kabila ng pagkakaroon ng stable career noon bilang artista.

Ayon sa naging tugon ni Angeli,

“Pabiro kong sinasagot, ‘Hindi ko nga rin po alam. Mali-mali ata desisyon ko sa buhay!’ Minsan joke, minsan totoo. Mahirap daw kasi mag-aral ng Med. Minsan, gusto ko sabihin, ‘Hoy! Mahirap din mag-artista ha!’

“So, bakit nga ba ako nag-doctor? The harder the experience, the more it humbled me. This is my ‘why’.”

Sa huli, sinabi nitong dahil sa kanyang mga pasyente kaya niya isinakatuparan ang pangarap na maging isang doktor.

“Cliché, pero ‘yun ang totoo. Kaya ako nag-doctor para sa mga pasyente ko. I wanted to become a doctor for my future patients. And I consider myself lucky because, I am able to pursue a dream that may be key for other people to be able to pursue their own.”

Pahayag nito.

Ano ang masasabi mo sa matagumpay na tinatahak na buhay ngayon ni Angeli Gonzales?

Leave a Reply

Your email address will not be published.