Agaw-pansin ngayon sa social media ang paghahayag ng pagkadismaya ng ina ng comedienne actress turned beauty queen na si Herlene Nicole Budol kaugnay sa naging resulta ng Binibining Pilipinas 2022.

Kahanga-hanga nga ang ipinakitang performance ni Herlene sa katatapos lang na Grand Coronation Night ng naturang pageant, kung saan itinanghal ito bilang 1st Runner-up. Maliban sa titulong ito, binansagan rin siyang “Hakot Queen” dahil halos lahat ng special awards ay nahakot ni Herlene. Kaya’t proud na proud ang napakaraming mga tagasuporta ng komedyana sa panibagong achievements nito ngayon.

Subalit agaw-pansin ngayon sa publiko ang naging panayam ng ina ni Herlene na si Lhen Timbol, nang tanongin ito kung ano ang masasabi niya sa naging resulta.

Aniya,

“Para po sa akin ang anak ko ‘yung winner. Pero, okay naman po at panalo rin, walang talo.”

Natanong rin ito kung sa tingin niya ba ay may naging pagkukulang si Herlene.

“Sa palagay ko po wala, kasi binigay po lahat ni Hipon, ginawa niya lahat. Perfect lahat, e. Hindi namin alam kung bakit ganoon ‘yung naging resulta pero, masaya pa rin po kami para sa kaniya. Hindi kami umuwing luhaan.”

Natanong rin ito kung ano sa tingin niya ang pinaka-bonggang performance ng anak.

“Para po sa akin, ‘yung pinaka-bonggang performance niya is doon sa swimsuit. Talagang napakagaling po niya rumampa. ‘Yung walk niya sobrang ganda. Medyo disappointed at talagang inaasahan po namin na siya ang best in swimsuit, pero iba po ‘yung in-announce. Pero, it’s okay lang po, laban ‘yan e.”

Pagdating naman umano sa Q&A portion, hindi rin naman umano matatawaran ang naging sagot ni Herlene.

“Sobra po akong happy sa sagot ni Herlene sa Q&A kasi,napakaganda ng sagot niya, talagang meaningful. Expected talaga din namin, higit sa nakuha niya, mas mataas pa roon ang expectation namin sa makukuha niyang posisyon.”

Sa huli, tinanong ito kung siya ba ay disappointed.

Aniya,

“Yes po. Kasi mas higit pa po doon ‘yung inaasahan ko po na makukuha ni Herlene na posisyon.”

Pag-amin nito.

Samantala, inulan naman ito ng samo’t-saring reaksyon mula sa netizens.

Ano ang masasabi mo sa naging pahayag ng ina ni Herlene Budol?

Leave a Reply

Your email address will not be published.