Viral ngayon sa social media ang panibagong katuparan sa isa sa pinaka-pinapangarap ng comedienne actress at Binibining Pilipinas 2022, 1st Runner-up na si Herlene Nicole Budol.

Sa kanyang trending Youtube vlog nito lamang August 4, 2022, mapapanood na ibinahagi ni Hipon ang kanyang bagong house and lot na siyang titirahan ng kanilang pamilya.

Sa umpisa ng vlog, sinagot muna ni Hipon ang tanong kung ano talaga ang pinaka-dahilan ng kanya umanong pagsali sa kakatapos lang na prestigious pageant.

Aniya,

“Ito ‘yung unang dahilan kung bakit ako sumali ng Bb. Pilipinas. Ang unang tao na nag-push sa akin na nakakita ng potensyal ko bilang beauty queen is si Sir Wilbert talaga. Sinabi ko nung una na ayoko, kasi ayoko talaga. Kasi parang kabaliktaran nga siya ng buhay ko.”

Subalit ang nakapagpapayag umano kay Herlene ay nang mag-offer sa kanya ang manager nitong si Wilbert Tolentino.

“Ito ‘yung dahilan kung bakit niya ako na-push. Sobrang generous niyang tao. Ang unang minotivate niya sa’kin, ‘Nak sumali ka. Hindi naman para sa akin ‘to ,e, para naman sayo ‘to.’ Ang sabi ko, ‘Mima ‘wag, baka mapahiya lang kita kasi hindi ako magaling na tao, hindi ako para ‘jan.”

Kwento ni Herlene.

Hindi umano tumigil si Wilbert sa pag-motivate hanggang sa mapapayag niya ito. Dito na nag-offer si Wilbert na kapag sumali umano si Herlene sa BBP ay bibilhan niya ito ng sariling bahay at lupa kagaya ng ginawa niya kay Madam Inutz.

“Sino ba namang tanga na hindi papayag ‘dun? Praktikal na tayo, ‘di ba? Hindi naman kami mayaman ng pamilya ko. Kung nakikita niyo sa vlog namin, wala kaming kisame, mainit ‘yung bahay namin, magulo ‘yung bahay namin. At isa ‘yun sa pangarap ko na magkaroon kami ng bahay.”

Emosyonal na pahayag ni Hipon.

Kahit sampung taon pa umano siyang magtrabaho ay makakabili naman siya ng bahay.

Subalit aniya,

“Pero matagal na panahon. E, iniisip ko ‘yung lolo’t lola ko, 84 na 81, hindi na mahaba ‘yung buhay nila. Gusto ko maranasan nilang tumira sa maayos, pero hindi na naabutan ni nanay (Lola Bireng), wala na siya.”

Umiiyak na saad nito.

Pagpapatuloy pa ni Herlene,

“Eto ‘yung best day na pinapangarap ko na matutupad ko this year, ‘yung magkaroon kami ng bahay. Ginawa ng Panginoon na instrumento si Sir Wilbert para tuparin ‘yung mga pangarap namin.”

Sa kabilang banda, mapapanood ang aktwal na pagpirma sa kontrata at pagbabayad ng house and lot, kung saan hindi talaga maitago ang kasiyahan sa mukha ni Hipon.

Mapapanood rin ang labis na pagkasurpresa at ang emosyonal na tagpo, nang dalhin na ni Wilbert si Herlene kasama ang pamilya nito sa mismong bahay nang wala silang ideya. Dahil ang akala lang nila ay kakain lamang sila sa labas.

Makikita nga na excited at masayang-masaya nilang nilibot ang napakaganda at komportableng bagong house and lot.

Ayon pa kay Wilbert,

“Sabi ko, manalo ka o matalo, ang importante may bahay ka. Hindi ka dadanas ng depress, at the same time pasisikatin kita.”

Saad nito.

Samantala, ipinangako nga umano ni Herlene ang makapagtapos siya sa pag-aaral, magkaroon ng bahay para sa kanyang lolo at ang makapag-uwi ng korona, kung saan laking pasasalamat nito na natupad niya na ang lahat.

Ano ang masasabi mo sa panibagong achievement sa buhay ni Herlene Budol?

Leave a Reply

Your email address will not be published.