Naalala niyo pa ba si Gloria Diaz? Ang crowned Miss Universe noong 1969 at kauna-unahang Pilipino na nakasungkit ng titulo noon. 

Sa kaniyang instagram account talaga namang napahanga na naman ni Gloria ang kaniyang mga followers dahil sa kaniyang throwback pictures noong kaniyang kabataan na kitang kita talaga ang kaniyang kagandahan. 

Sa 20 seconds instagram video ni Gloria kita ang mga dating litrato na may temang “throughout her life” kung saan binahagi niya rin ang simula ng kaniyang career sa pageant, showbiz at personal life. 

Sa kaniyang caption sinabi niya rin, “Do not live in the past they say but it is nice to reminisce so no amount of plastic surgery will ever bring back youth so no one should focus on true friends honest siblings, happy and kind kids and most important loving partner be that it may totally yours or shared.” 

Narito naman ang kumento ng ilang mga netizens tungkol rito…

Sa kasalukuyan naman mayroon siya ngayong sang-dosenang anak kung saan sampu ang babae at dalawa ang lalaki. Sa paglipas rin ng panahon tinahak niya rin ang path sa pag aartista sa ABS-CBN kung saan marami rin siyang pinagbidahang role sa mga kilalang teleseye katulad ng “Kung Ako’y Iiwan Mo,” “May Isang Pangarap,” at “Mirabella.” 

Natuwa rin ba kayo sa throwback pictures ni Gloria Diaz noon? Anong masasabi mo rito? Comment mo na ‘yan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *