Ikinasal sa ikalawang pagkakataon ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro sa kanyang Irish husband na si David Rainey.

Naganap ang kanilang second wedding sa Zambales nito lamang January 23, 2023. Makikitang star-studded ang kanilang dreamy beach-garden wedding, kung saan bridesmaid nito ang ilang mga kaibigan sa showbiz. Gaya nina Alessandra De Rossi, Angelica Panganiban, Isabelle Oli, at iba pa.

Una silang nagkaroon ng intimate wedding sa Norther Ireland noong 2021. Plinano umano nila ang second wedding sa Pinas para sa mga hindi naka-attend noong una. Nag-stand out naman ang kagandahan ni Glaiza suot ang kanyang modern Filipiniana-inspired wedding gown at naka Barong Tagalog naman si David.

Base sa mga litrato, present din ang napakaraming kilalang celebrities gaya nina Isabelle Oli, Rochelle Pangilinan, Chynna Ortaleza, Sheena Halili, at ang cast ng Running Man Philippines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *