Magkahalong gulat at pagkatuwa ang naging reaksyon ng mga netizens sa malaking pasabog na anunsyo ng ABS-CBN kamakailan, dahil sa wakas ay tila tuluyan nang maglalayag ang mga shippers ng young celebrities na sina Francine Diaz at Seth Fedelin o mas kilala sa tambalang FranSeth. At sa kabilang banda, may-say naman ang dating on and off screen partner ni Seth na si Andrea Brillantes.

Nito lamang May 17, 2022, naglabas na ng anunsyo ang naturang estasyon na sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasama na sa iisang teleserye ang FranSeth, nang hindi kasama ang mga dati nilang ka-loveteam na sina Kyle Echarri at Andrea.

Sa naganap na story conference ng upcoming drama series na “Dirty Linen”, makikita ang mga larawan ng bagong loveteam kasama sina Zanjoe Marudo at Janine Gutierrez, bilang mga main cast. Lubos nga itong ikinatuwa ng mga tagasubaybay ng FranSeth, dahil matapos ang mga kontrobersyang kinasangkutan ng mga ito pagpasok ng taon ay binigyan naman sila ng pagkakataong magsama sa isang proyekto.

Matatandaan kasi na naging matindi ang conflict sa pagitan nina Francine, Seth, Andrea at Kyle o mas kilala sa kanilang grupo na “The Gold Squad”. Dahil sa sanga-sangang mga isyu, lalo na sa pagitan nina Andrea at Francine na siyang naging dahilan para mabuwag ang kanilang grupo maging ang kani-kanilang loveteam, kaya’t mapapansin umano na tila walang update kamakailan patungkol sa kanilang squad.

Agaw-pansin naman ang Instagram post ni Seth patungkol sa bago nitong teleserye.

Ayon sa kanyang post,

Bukod rito, naging kapansin-pansin naman sa mga netizens ang naging reaksyon ng ex-girlfriend at former loveteam ni Seth na si Andrea, nang mag-iwan ito nang isang pagbati sa comment section.

Sa kabilang banda, kahit na naging malaking komosyon rin ang bagong love life ni Andrea sa basketbolistang si Ricci Rivero, inulan pa rin ng samo’t-saring reaksyon at espekulasyon ang naging kumento niya sa post ng kanyang ex-boyfriend mula sa mga netizens.

Samantala, kasalukuyan namang nangunguna at trending topic ang FranSeth loveteam sa Tweeter, dahil hindi nga umano maikakaila ang magandang chemistry ng dalawa lalo na’t magsasama na ang mga ito sa iisang proyekto.

Ano ang masasabi mo sa bagong loveteam nina Francine Diaz at Seth Fedelin?

Leave a Reply

Your email address will not be published.