Sa kakalipas lang na Mother’s Day celebration, proud namang ibinahagi ng celebrity mom na si Ellen Adarna ang pagpapatanggal niya ng kanyang breast implant.

Sa kanyang Instagram story, isiniwalat ni Ellen na napagdesisyonan niya ng ipatanggal ang kanyang silicone implants sa kanyang dibdib sa kadahilanang nakararanas na umano siya ng ilang mga karamdaman dulo’t nito o ang tinatawag na “breast implant illness”. Masaya niya ngang ibinahagi sa publiko na sa wakas ay maayos na ang kanyang pakiramdam at nakakahinga na rin ito ng maluwag.

Ayon sa kanyang video,

“I have my implants removed na. Happy Mother’s Day.”

Pagbabahagi ng aktres.

Matapos ang mahabang panahon na nakararanas umano siya ng matinding pananakit ng likod, fatigue at hirap sa paghinga, nawakasan na nga ito ngayon at malaking kaginhawaan na dahil sa isinagawang removal surgery.

Ayon pa sa caption nito sa mismong larawan ng kanyang silicone implants,

“Goodbye breast implant illness. I can now breathe properly. Goodbye chronic back pain, fatigue and brain fog. It was fun while it lasted. The end.”

Pahayag ni Ellen.

Sa isa pa nitong IG story, makikita ang video nila ng kanyang anak kay John Lloyd Cruz na si Elias, kung saan sinabi nito na mas maliit na ngayon ang kanyang dibdib. Subalit, mapapansing umiyak si Elias dahil mas gusto umano nitong mas malaki ang dibdib ng kanyang ina.

“But there’s still a little.”

Pabirong saad ni Ellen.

Ngunit matapos nito ay makikitang pinaglaroan at ginawa pang katatawanan ito ni Elias maging ng asawa ni Ellen na si Derek Ramsay.

Sa kabilang banda, matatandaan na sumailalim si Ellen sa breast augmentation surgery at naging bulgar naman ang aktres sa naturang sitwasyon, nang personal niyang aminin sa isang panayam ng ABS-CBN News taong 2014 na mayroon umano siyang pekeng dibdib.

Samantala, narito naman ang samo’t-saring reaksyon ng netizens patungkol rito.

Ano ang masasabi mo patungkol rito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.