Usap-usapan ngayon sa social media ang isang nakakalungkot na tagpo sa pagiging ama ng komedyanteng aktor na si Dennis Padilla, dahil tila hindi na nito napigilan pa ang paglalabas ng himutok kamakailan lang patungkol sa kanyang mga anak.

Napukaw kasi ang atensyon ng netizens sa dalawang magkasunod na Instagram post ni Dennis, nito lamang June 22, 2022. Ito ay patungkol umano sa tila pagkadismaya niya sa hindi pagbati sa kanya sa nagdaang Father’s Day ng kanyang tatlong anak kay Marjorie Barretto na sina Leon, Claudia at Julia Barretto.

Unang naibahagi ng komedyante ang lumang larawan nila ni Leon habang may caption na,

“Leon, you forgot to greet me last Sunday. Love you ingat.”

At sa ikalawang post, ni-reveal rin nito na hindi rin umano siya nakatanggap ng pagbati mula kina Julia at Claudia.

Aniya,

“Miss you both.. You forgot to greet me last Sunday. Love you. God bless you more.”

Caption ng komedyante.

Makalipas lamang ang ilang oras ay kaagad ring binura ni Dennis ang parehong IG post na ito. Maagap namang nakuhanan ng screenshot ng ilang netizens at naibahagi rin ng News5 at PEP.ph ang deleted post ni Dennis.

Tanging ang makikita nalang sa Instagram account nito ay ang paulit-ulit niyang pasasalamat sa pagbati sa kanya ng dalawa pa niyang anak sa Filipino-Australian partner na si Linda Gorton.

Dahil nga rito, maraming netizens ang nakisimpatya sa komedyante dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng nakararami na madalas isiyang mag-post patungkol kina Julia, Claudia at Leon, subalit tila umano walang paramdam ang kanyang mga anak.

Sa kabilang banda, hindi rin napigilang makwestyon ng ilang netizens si Julia dahil sa kabila umano ng hindi nito pagbati sa amang si Dennis ay nagawa naman niyang proud na batiin ang nobyong si Gerald Anderson bilang isang fur dad.

Ayon sa kanyang IG story na nirepost ni Gerald, makikita ang larawan nila kasama ang alagang aso ng aktor.

Happy PAWther’s day @andrsongeraldsjr”

Caption ng young actress.

Samantala, marami man ang nalungkot sa balitang ito ngunit, naging hati ang opinyon at saloobin ng ilang netizens patungkol rito.

Ano ang opinyon mo patungkol rito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.