Isiniwalat kamakailan ng veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin ang kasalukuyang kondisyon ng kanyang kalusugan, kung saan kinakailangan niya umanong maoperahan.

Sa kanyang latest online show na “Cristy Ferminute” kasama si Rommel Chika, naisiwalat ng batikang kolumnista na sumailalim umano siya sa endoscopy kaya’t nadiskubre ng kanyang doktor ang kondisyon ng kanyang lalamunan.

“Kagabi po ay nagsadya na po ako sa St. Lukes Medical Center dito sa Quezon City dahil nagpa-endoscopy po ako. Nalaman na kung bakit ako ay paos. Sa isang monitor ipinakita ni Doc sa akin dahil pinasukan ako ng instrumento sa ilong. Naku, hindi pala kagandahan ang lalamunan ano?”

Panimula ni Fermin.

Hindi naman lingid sa nakararami na tila umano laging paos ang boses nito, kung saan ito umano ay dahil sa nakabarang bukol sa kanyang lalamunan.

“Mga kapatid, meron po akong Polyps sa gitna mismo ng aking lalamunan. Ito naman ay hindi kinatatakutan dahil natural lang sa ilong at sa throat yung mga Polyps, pero kailangan pong tanggalin. ‘Yun po ang dahilan kung bakit hindi lumalabas ang boses ko. Nakaharang po siya doon sa mismong labasan ng hangin.”

Pagbabahagi ng kolumnista.

Gayunpaman, nakatakda umano siyang sumailalim sa operasyon at kailangan rin umanong i-biopsy ang bukol para malaman kung ito ba ay cancerous o hindi.

“Ako po ay ooperahan sa susunod na buwan pa. At sabi nga ni Doc, ang sarap niya magsalita, ‘Hindi ko sinasabi sa’yong emergency. Sige, pwede tayo kahit next month. Wala kang dapat ikaalarma pero kailangan nating ipa-biospy ang polyps mo’.”

Samantala, hindi naman kaila sa mga netizens na isa si Fermin sa umano’y tinatawag na “Marites” sa showbiz industry, kaya’t tila may mensahe rin ang ilang netizens ngayong nakararanas ito ng naturang kondisyon.

Ano ang mensahe mo sa kalagayan ngayon ni Cristy Fermin?

Leave a Reply

Your email address will not be published.