Viral ngayon sa social media ang matinding gulo na naganap mula sa concert tour ng mga papular na rapper/singer na sina Skusta Clee, Flow G, at J. Roa sa Vancouver, British Columbia sa Canada.

Kumakalat kasi ngayon ang mga video na kuha sa mismong concert ng mga ito. Kung saan isa nga sa kasama nila ay ang kasintahan ni Flow G na si Angelica Yap o kilala rin bilang si ‘Pastillas Girl’.

Mapapanood sa video na kuha ng mga netizens na makikitang masaya ang ilang fans sa naturang event. Subalit, hindi nga inaasahan ang mga sumunod na pangyayari. Dahil ang sana’y masayang pagtitipon ay napalitan ng kaguluhan at batuhan ng mga bote.

Labis nga itong ikinagulat ng nakararami dahil habang nagsasalita at nasa-gitna na ng entablado si Pastillas Girl, hindi na mapakali ang mga bouncers.

Mapapanood na maya-maya pa ay biglang may mga nagliparang bote sa likuran ng vlogger. Sa una ay tumama lamang ang babasaging bote sa pader, ngunit sa ikalawa ay muntik na itong tumama sa ulo ni Angelica dahil makikitang halos nahagip na ang kanyang buhok.

Mabuti na nga lang umano at nakailag ito at dali-daling bumaba ng stage kaya’t naiwasan ang nakaambang panganib.

Base sa naging pag-uulat, nagwala umano ang isang lalaki mula sa audience na siyang nagsimulang mambato ng mga bote. Kaagad naman itong kinompronta at nirespondehan ng mga bouncers.

Sa kabilang banda, naglabas naman ng paliwanag ang mismong organizers ng naturang concert. Tila hindi kasi natutuwa ang mga ito sa ilang nagpapakalat ng video na ipinalalabas na si Angelica ang mismong binabato.

Ayon sa paglilinaw ng isang organizer,

Ayon pa sa pagpapatotoo ng isang staff,

Samantala, narito naman ang komento ng ilang netizens.

Ano ang opinyon mo patungkol dito?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *