Sa isang presscon, ipinagtapat ni Coco Martin na kasalukuyan na siyang nagpapatayo ng bahay para sa kanyang magiging pamilya.

Ipinapatayo niya raw ito malapit sa kanyang mala-mansyong bahay, kung saan tinitirahan niya kasama ang kanyang pamilya. Ngunit naisipan nito na kailangan niya nang paghandaan ang kanyang future family.

“Ngayon, wala na sila lahat sa bahay, kami nalang po ng lola ko magkasama. Sabi ko, ‘Kailangang-kailangan ko na magpatayo ng bahay para sa magiging pamilya ko. Kaya ngayon nagpapatayo ako ng bahay, sa tabi rin ng bahay ko, para na doon sa magiging pamilya ko.”

Saad ni Coco.

Naging mailap man ito patungkol sa kanyang love life at wala umano siyang balak i-share sa publiko dahil mas mahalaga ang privacy. Ngunit pag-amin nito na nasa puso niya na ang “the right one.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *