Hindi na bago sa publiko ang usapin patungkol sa controversial love life ng prominenteng aktor na si Coco Martin.

Ilang taon na rin kasing umaalingawngaw na ‘di umano may relasyon ito at ‘di umano may anak na sila ng aktres na si Julia Montes.

Ngunit sa naganap na launching kay Coco kamakailan bilang bagong endorser ng isang generic brand ng mga gamot, kung saan ang yumaong si Susan Roces ang former ambassador, may matapang na rebelasyon at saloobin ang aktor patungkol sa kanyang “the right one.”

Hindi nakaligtas si Coco sa ilang mga katanungan ng press at nausisa kung natagpuan na ba nito ang kanyang “the right one” sa totoong buhay?

Sagot ni Coco,

“Ako naman po, hindi naman ako pa-tweetums… Kahit nung dati pa, naka-ready ako kung ano man ‘yung haharapin ng buhay ko. Kung may dumating man siyang tao na siyang makakasama ko sa habambuhay, nakahanda po ako. Pero bago mangyari ‘yun, talagang ang hinanda ko muna, ‘yung pamilya ko, ‘yung mga kapatid ko.”

Nais nitong iparating na bago umano siya papasok sa yugtong ito, gusto niya munang maisaayos ang estado ng pamumuhay ng kanyang pamilya.

“Kasi, ang pangarap ko… ayoko ‘yung ako, meron, may maganda akong buhay, maayos ang tinitirhan ko, tapos ‘yung mga kaptid ko, hindi? Gusto ko, pantay-pantay kami. Hindi man parehung-pareho, pero alam ko na kung sakaling magbubukod na ako or paghahandaan ko na ‘yung sarili kong buhay, alam ko na kampante ako na naiayos ko nang lahat ng buhay nila.”

Tila nabitin nga ang press sa sagot ni Coco dahil hindi nito natumbok ang gustong marinig ng mga ito. Kaya muli siyang tinanong na mabilis niya namang sinagot.

“Nasa puso ko na ‘yung right one.”

Dahil nasa puso niya na ito, naitanong din kung kailan nga ba nito balak mag-settle down.

“Anytime po.”

Safe na sagot nito.

Matapang namang naitanong ng press kung willing ba siyang sabihin kung sino nga ba talaga ang tinutukoy niyang the right one, ngunit patawa niya itong sinagot nang, “Hindi.”

Naitanong din kung malalantad na lang ba umano na ikakasal na siya o kasal na siya?

“Kung malalaman…”

Tipid na sagot ni Coco.

Ngunit naging seryoso naman ito nang ipaliwanag niyang ang pinakamahalaga umano sa kanya ay ang privacy.

“Kasi, alam niyo… pinakamahalaga kasi sa buhay ngayon, ‘yung peace of mind and privacy, ‘di ba? Yun ang pinakamahirap makuha ngayon. Lalung-lalo na lahat tayo ngayon, may social media, ganyan. Which is ‘yun na ‘yung reward ko para sa akin, sa sarili ko, at sa family ko, na napapanatili kong protektado sila. Hangga’t maaari, ba’t ko hahayaan na masaktan ako o masaktan ang pamilya ko? Kaya mas gusto ko na tahimik na lang.”

Pagtatapat nito.

Ano ang opinyon mo sa mga naging pahayag ni Coco Martin?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *