Usap-usapan ngayon sa social media ang tila pagpapatutsada ng comedian actor, dancer at Youtube influencer na si Awra Briguela.

Mapapansin kasi sa magkasunod na Tweet post nito kamakailan lang, May 11, 2022, ang paglalabas niya ng hinaing at mapapansing tila may pinatatamaan ito.

Ayon sa unang bahagi ng Tweet ni Awra, napuna nito ang hindi niya pinangalanang personalidad na kasalukuyang maglalabas umano ng kanta.

“Kapal din ng mukha nung isa dyan na mag lalabas pa ng kanta pagkatapos niya gawin lahat ng kagag*han nya.”

Pahayag nito.

Isiniwalat pa ng komedyante na bukod sa may ilalabas na kanta ang taong tinutukoy niya ay konektado rin umano ito sa “kumpisal”.

“Kumpisal pa nais mo eh inabot ka nga ng dalawang araw bago ka umamin kahit huling huli kana.”

Pagpapasaring ni Awra.

Dahil sa kanyang Tweet, naglabasan naman ang mga espekulasyon ng netizens na di umano’y ang tinutukoy ni Awra ay ang controversial ex-boyfriend ng kanyang kaibigang si Zeinab Harake na si Skusta Clee.

Makikitang noong araw rin ng May 11 ay nag-anunsyo at inilabas rin ng rapper-singer ang teaser ng kanyang bagong kanta na may caption na,

Hindi kasi lingid sa kaalaman ng nakararami na maingay parin ngayon sa social media ang kontrobesya at isyung kinasangkutan ng mag-ex partner na sina Zeinab at Skusta. Dahil ginulat ng mga ito ang kanilang mga tagasubaybay nang mangyari ang di umano’y panloloko ni Skusta habang buntis si Zeinab sa ikalawa sanang anak ng couple na siyang naging dahilan ng pagkakunan ni Zeinab na humantong sa hiwalayan.

Kaya’t ganoon na lang umano ang hinaing at pagtatanggol ng mga kaibigan at pamilya ni Zeinab kay Skusta. At isa na nga sa naglabas ng galit ay ang malapit rin na kaibigan nito na si Awra.

Samantala, narito naman ang samo’t-saring pahayag at espekulasyon ng netizens.

Ano ang masasabi mo sa naging pahayag ni Awra Briguela?

Leave a Reply

Your email address will not be published.