Nagdadalamhati ngayon ang buong showbiz industry sa pamamaalam ng veteran at award-winning actress na si Evangeline Rose Gil Eigenmann o mas kilala bilang Cherie Gil.

Ang tinaguriang “La Primera Contravida” ay sumakabilang-buhay na nito lamang August 5, 2022 sa edad na 59. Kinumpirma ito ng kanyang kaibigang talent manager na si Annabelle Rama.

Ayon sa Instagram post nito,

Bukod rito, kinumpirma rin ito ng GMA News mula sa kanyang pamangkin at aktor na si Sid Lucero. Makikita rin sa social media nito na nag-post siya ng larawan ni Cherie na may caption na,

Base naman sa inilabas na article ng PEP.ph, binawian ng buhay ang aktres dahil sa cancer sa New York City. Matatandaang nito lamang Pebrero, inanunsyo ng aktres ang paglipat niya sa US kung saan siya nag-uundergo ng treatments sa Memorial Sloan Kettering Cancer Center.

Binalikan nga ng ilang netizens ang kanyang mga huling social media post, kagaya na lamang ng post niya nitong June na mapapansin umano ang malaking pagbabago ng kanyang pisikal na kaanyuan.

Agaw pansin rin ang IG post nito na tila umano may cryptic caption na,

Sa kabilang banda, hindi naman lingid sa mga tagasubaybay nito na nagmula ang primera kontrabida sa angkan ng isa sa kilalang pamilya sa showbiz industry. Kung saan, ang mga magulang nito ay ang 50’s matinee idol na si Eddie Mesa at ang ina nitong beteranang aktres na si Rosemarie Gil. Kilala rin sa showbusiness ang mga kapatid niyang sina Michael de Mesa at ang namayapang aktor na si Mark Gil.

Sa mahigit limang dekadang pag-arangkada ng karera nito bilang aktres, hindi nga malilimutan ang primera kontrabida sa mga ginampanan nitong role sa mahigit 100 pelikula, serye at theater plays. Ilan sa remarkable films nito ay ang “Oro, Plata, Mata”, “Manila by Night”, at ang iconic character nito bilang si Lavinia Arguelles sa “Bituing Walang Ningning”, kung saan pinasikat nito ang famous line na “You’re nothing but a second-rate, trying hard copycat!”. Huli namangg kinabilangan nitong proyekto ay ang GMA teleserye na “Legal Wives”, taong 2021.

Samantala, marami ngang netizens maging ang mga ilang malalapit na kaibigan sa showbiz ang nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni Cherie. Subalit, agaw-pansin ang makabagbag damdaming mensahe ng co-star nito sa Bituing Walang Ningning na si Megastar Sharon Cuneta, na siyang nakasama nito sa mga huling sandali.

Ayon sa ilang bahagi ng Instagram post nito,

Rest in Peace, Cherie Gil.

Leave a Reply

Your email address will not be published.