Walang mapagsidlan ang saya ng content creator couple na sina Whamos Cruz at Antonette Gail del Rosario dahil sa ibinahagi nilang nakakagulat na balita sa publiko.

Sa kanilang Facebook posts nito lamang June 20, 2022, masaya nilang ibinahagi ang isang surpresa na babago sa kanilang buhay. Ito ay dahil magiging ganap na mga magulang na sila sa kanilang anak na ipinagbubuntis ni Antonette. Kinuhanan niya ng video ang naging reaksyon ni Whamos nang surpresahin niya ito ng dalawang positive pregnancy test.

Makikita ngang mixed emotion ang naging reaksyon ng couple, dahil panibagong yugto umano ito sa kanilang relasyon. Masaya rin nila itong ibinahagi sa kanilang mga kasamahan sa bahay at makikita ang kanilang excitement.

Sa naging video post naman ni Whamos, mapapanood na hindi nito maitago ang tuwang nararamdaman kaya’t hindi rin natigil sa pagsigaw at pagsayaw, habang hawak-hawak ang dalawang pregnancy test.

Ayon pa kay Whamos, tila inunahan na nito ang mga bashers at sinabing huwag na sana umano silang i-bash lalo na’t masaya sila at pinag-isipan umano talaga nila ang desisyon na ito.

“Sa lahat ng blessing na dumating sa amin, ‘eto ‘yung pinaka-magandang blessing sa amin. Magkaka-baby na kami guys. Siyempre, sa lahat ng mambabash jan, panigurado ‘yan. Sana, ‘wag niyo kami i-bash guys, kasi napaaga lang naman. Doon din naman tayo pupunta, diba? Nakita niyo kung gaano ako kasaya, diba? Mula labas hanggang loob ng bahay namin, kaya kong isigaw sa buong mundo na meron na kaming baby ni Antonette.”

Pahayag ni Whamos.

Inulan naman ng magkahalong reaksyon mula sa netizens ang mga viral video na ito ng 21-year-old na si Whamos at 18-year-old na si Antonette.

Samantala, hindi naman papahuli ang “Pambansang Marites” na si Xian Gaza at may say rin patungkol rito.

Ayon sa una niyang post,

“JUSKO HUWAG NAMAN SANA NIYA MAGING KAMUKHA ANG BATA IN JESUS NAME.”

Sa kasunod na post ni Gaza, makikita ang screenshot ng pag-friend request ni Whamos at gulat niyang mukha. Saad pa nito sa comment section,

Whamos Cruz I’m sorry, lodi. Nagpapatawa lang po ako. Huwag mo sana seryosohin.

Nagpalitan rin ng komento ang mga ito patungkol sa kung sino ba ang magiging kamukha ng magiging anak ng couple.

Whamos: Yon nga din boss ehh😅 ayaw ko din talaga makamuka ko baby ko😂 ang sagwa

Gaza:  I like you. Honest ka. dun na tayo sa totoo

Gayunpaman, tila may pasaring naman si Antonette sa kanyang Facebook story.

Ano ang mensahe mo sa panibagong yugto ng buhay pag-ibig nina Antonette Gail at Whamos Cruz?

Leave a Reply

Your email address will not be published.