Lumapit sa programa ni Sentaor Raffy Tulfo ang anak ni Freddie Aguilar na si Maegan para manawagan at humingi ng tulong sa kaniyang Ama dahil sa sakit niyang hyperthyroidism.

Dahil nga sa medical reason na ito ay tinanong agad ni Raffy kung bakit hindi ito lumapit sa ama niyang alaman naman ng marami na may kaya sa buhay. 

Sagot ni Maegan, “Hindi po ako makalapit kay Tatay. Hindi ko po ma-explain yung dahilan kasi he has his reasons why he’s not helping me.” 

Tungkol naman sa rason kung bakit, “I have been estranged naman po kasi, Senator Raffy, since I was 16 kasi I left the house na po. And then yung instances na nakatira po ako sa kanya is because of his request to spend time with [him], also yung mga anak ko. But there’s always an on and off bati thing between me and my tatay, pero sa ngayon po kasi, hindi ko maayos, e. Dahil nga po he has his reasons na hindi ko na po alam kung ano yun.”

Sinubukan ng programa ni Raffy Tulfo na tawagan ang cellphone number ni Ka Freddie ngunit di ito sumasagot. 

Nasabi nalang ni Maegan, “ay, wala kasi akong ibang tatay, kayo lang, e. Hindi ko na po alam kung paano ito ayusin, unless din po willing kayo na tanggapin for who I am, what I am. Ako po yun. ‘Tay, I am imperfect. I am flawed. I don’t know how to fix, ‘Tay, pero sa totoo lang kasi kailangan ko kayo ngayon. Di ba, November 2 to 7, alam po ninyo iyan, binayaran ninyo ang mga gamot ko sa ospital. Muntik akong mamatay.”

Sa mga katagang sinabi nito ni Maegan ay tila nangangailangan pa niya na mag-stay sa ospital para sa kaniyang complete recovery pero wala siyang kakayahang pinansyal para gawin ito kaya siya ay humihingi ng tulong sakaniyang ama. 

Heto naman ang kumento ng ilang netizens…

Kayo, anong masasabi niyo sa sitwasyong ito ni Maegan? Tulungan kaya siya ng sariling Ama? Share niyo na yan sa comment section.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *