Patok sa mga netizens ang mga kuhang litrato at video ni Annabelle Rama sa kanyang 70th birthday celebration noong October 31, 2022 na ginanap sa Manila House Private Members Club. Sa kuha kasi ng kanyang mga anak na sina Ruffa, Raymond at Richard Gutierrez, mistulang bumata raw ang itsura ng matapang at palaban na talent manager. Dahil dito, umani ito ng mga iba’t ibang komento at bali-balitang pinaretoka raw ang kanyang mukha.

Ayon sa mga nakapansin, tila may ipinaayos si Annabelle sa kanyang mukha dahil walang mag-aakalang 70 years old na siya. Pero sa kanyang pahayag “Ang daming nag comment na I look so young baka daw nag paretoke ako. Simula ng bata ako hanggang ngayon never akong nagpagawa sa mukha at sa buong katawan ko. What you see is what you get at unang-una, takot ako sa operation at injection.”

Sagot naman ng kanyang anak na si Ruffa, hindi naman daw siya nagagalit at naiinsulto sa mga komentong retokada siya dahil wala naman daw itong katotohanan. Naihalintulad din ang kanyang mukha sa magandang modelo na si Aiko Melendez at ang iba naman ay sinabing parang mag-sister lang sila ng kanyang anak na si Ruffa. Kitang kita naman ang ebedensiya sa mga anak ni Anabelle na sina Raffa na umabot pa sa pagentry ang beauty pati ang kambal niyang anak na sina Raymond at Richard na ubod ng gu-guwapo ang mga mukha.

Bukod pa rito aniya, hindi niya ikinatuwa niya ang mga komento ng mga netizen sa kanya at nagpahayag ng pasasalamat:

“Thank you sa mga negative at positive comments. Nag-enjoy akong basahin lahat at sa lahat ng nagmamahal sa akin at sa family ko DAGHANG SALAMAT” na may hashtag na “#ForeverYoung”

Heto naman ang pasilip sa mga naging kumento ng netizens tungkol rito…

Ikaw ano sa tingin mo natural ba ang mukha niya ngayon o nag-iba rin para sayo? Share your thoughts sa ating comment section.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *